Pagpapabaha ng Bigas

0
775

Ipinag-utos na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang walang humpay na pagpasok ng imported na bigas sa bansa. Ang kautusan ay inilabas ng Pangulo para maibsan ang problema ng mataas na presyo ng commercial rice sa bansa.

Sa ilalim ng kautusan ng Pangulo, pinapayagan na pag-aangkat ng bigas maging ng mga malalaking retailers gaya ng SM, Robinsons at San Miguel corporation para mas maging accessible sa mamamayan ang murang bigas. Sa ngayon, ang NFA rice na binebenta sa halagang 27 at 32 pesos kada kilo ang pinakamurang bigas na pwedeng bilhin ng mamamayan. Limitado lamang sa 5 kilos ang pwedeng bilhin ng bawat isa, at limitado rin ang outlet ng NFA sa mga pamilihan at kadalasan ay mabilis itong maubos sa mga tindahan.

Sa ilalim ng kautusan, merong mga kondisyon na inilatag. Kailangan munang kumuha ng permiso sa NFA ang sinumang nagnanais na mag angkat ng bigas at ang bentahan ay hindi maaaring lumampas sa 38 kada kilo.

Dahil sa kautusan, inaasahan na babahain ng murang bigas ang merkado at papatayin nito ang pagnanais ng cartel na kontrolin ang presyuhan nito. Nitong nakaipas lamang na buwan ng setyembre, pumalo sa 6.7% ang inflation rate ng bansa at ang presyo ng bigas ay isa sa mga dahilan kung bakit tumaas ang inflation.

Nagpahayag naman ng pangamba angswktor ng pagsasaka sa pagpapalabas ng kautusan. Unti unti daw niyong papatayin ang kanilang seltor. Ang sabi naman ng pamahalaan ay bibigyan nila ng ayuda ang sektor ng pagsasaka sa taripang kanilang makukuha mula sa importasyon ng bigas.

Ilang mga grains retailers ang nagsabi na hindi dapat pabayaan ang ating mga magsasaka, marapat na bigyan sila ng ayuda sa irigasyon at mga farm inputs para makaagapay sila sa kompetisyon mula sa imported rice. Hindi rin dapat tayo maging dependent sa rice importation at delilado ito sa kalaunan. Ang utos daw ay hindi tumutugon sa problema sa pangmatagalan at ito ay “band aid” solution lamang.

Tawagin niyo ng “band aid solution” ang kautusan. Pero ang mahalaga ay ganito: matitiyak nito ang pagkakaroon ng kanin sa hapag kainan sa gitna ng kahirapan ng buhay ng mga Pilipino sa ngayon. Ganumpaman, dapat din tiyakin ng pamahalaan na matutugunan ang sektor ng pagsasaka na tinatayang nasa 2 milyung Pilipino ang umaasa. Pero sa ngayon, 2 milyung Pilipinong magkakaproblema dahil sa kautusan laban sa 104 na milyung Pilipinong hirap pagkasyahin ang kanilang budget dahil sa mahal ng bigas? Obvious ang sagot sa pipiliin…

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here