Advertisementspot_img
Friday, April 26, 2024

Delivering Stories of Progress

Advertisementspot_img

FIRING LINE: Korapsyon sa cash aid

Latest article

Advertisement - PS02barkero developers premium website

THEPHILBIZNEWS Partner Hotels

Hotel Okura Manila
Hotel 101
The Manor at Camp John Hay
Novotel Manila
Taal Vista Hotel
Advertisement - PS02barkero developers premium website

By Robert B. Roque, Jr.

Akalain ninyong may 155 na mga barangay captain at opisyal ang ini-imbestigahan sa anomalya sa cash aid na ipinamimigay ng gobyerno sa Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno?

Kung totoo ang bintang sa mga ito, ang kakapal naman ng mukha ng mga demonyong suwapang na ito. Bago pa man ipamahagi ang SAP ay ilang ulit nang nagbabala si President Duterte na huwag silang mangangahas na galawin o pakialaman ang perang ito dahil may paglalagyan sila.

Ang nangyaring ito ay patunay lamang na hanggang ngayon ay malalim pa ring nakabaon ang kuko ng korapsyon sa ating gobyerno. At puwede itong magparamdam o manalasa sa kahit anong pagkakataon. Hindi man lang sila natakot sa maaaring gawin ng Pangulo bilang parusa sa kanilang kalokohan.

Bukod dito, hindi ba sila nangangamba sa puwedeng gawing ganti ng kanilang mga kabarangay, lalo na iyong mga hindi nakatanggap ng ayuda mula sa gobyerno?

Alalahanin na sa panahon na ito ay may umiiral na krisis na dulot ng COVID-19. Lahat tayo ay nangangailangan ng tulong. Hindi dapat  magsamantala ang sino man, lalo na ang mga opisyal ng barangay dahil ang pera ay inilaan ng gobyerno para sa lahat ng nangangailangan.

Ipinaposte ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pangalan ng lahat ng nakatanggap ng ayuda. Dapat pala ay lalo itong ikatakot ng mga opisyal ng barangay dahil makikita ng lahat ng mamamayan kung sinu-sino sa kanila ang tunay na nakatanggap ng pera.

May mga usap-usapan na ang iba ay napilitang makipagsabwatan sa opisyal sa usapang kalahati o mas mababa pa ang matatanggap. Mas mabuti na raw ito kaysa sa walang makuha kahit na magkano.

Sa iba naman ay umiiral pa rin ang palakasan o kamag-anak system. Kung sino ang malakas sumipsip o kaanak ni kupitan, este kapitan, ay prayoridad sa mga makatatanggap ng ayuda.

Ni-refer na iyong mga opisyal ng barangay sa Ombudsman para magawan ng karampatang aksyon. Dapat lang naman dahil kung totoo ang isyu ay garapalang pananamantala o pang-aabuso sa mga maliit o mahihirap na tao ito.

Dahil ba ang tao ay asawa, anak, kaanak o kaya ay dakilang sipsip kay kapitan ay sapat na itong dahilan para manguna sa listahan ng mga tatanggap ng ayuda?

Hindi naman makatarungan iyon. At lalong hindi makatarungan na balewalain nila ang babala ng Pangulo.

Dapat huwag palagpasin at sa halip, papanagutin ang mga ito sa kanilang kapalpakan.

Kung hindi ay uulitin lang nila ito at baka tularan pa ng iba ang kanilang kalokohan.

Alalahanin ninyo na hindi inyo ang pera. Inilaan iyan ng gobyerno sa mga mahihirap nating kababayan. Kung susuwapangin ninyo ang pera ay umalis na kayo sa puwesto hangga’t maaga dahil siguradong hindi ninyo matatakasan ang parusa ng gobyerno.

Hindi lahat ng tao ay puwede ninyong lokohin sa lahat ng pagkakataon. Itanim ninyo iyan sa inyong isipan at huwag kaliligtaan. Hindi Pasko ang lahat ng araw para inyong pagkaperahan. Huwag mamuhay sa pangungulimbat dahil aani rin kayo ng karma, mabuti man o masama. Hindi ninyo maiiwasan iyan.

Sa isyu ng laban sa korapsyon, walang dapat maisasalba kahit pa ito ay kapartido o kaibigan ng mga nag-iimbestiga.

                                        *              *              *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View.

Advertisement - PS04spot_img

More articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Advertisement - PS05spot_img
Advertisement - PS01spot_img

Must read

Advertisement - PS03spot_img