Advertisementspot_img
Tuesday, January 21, 2025

Delivering Stories of Progress

Advertisementspot_img

Pusaling Politika

Latest article

Advertisement - PS02barkero developers premium website

THEPHILBIZNEWS Partner Hotels

Hotel Okura Manila
Hotel 101
The Manor at Camp John Hay
Novotel Manila
Taal Vista Hotel
Advertisement - PS02barkero developers premium website

Nagkakagulo sa kamara kaugnay pa rin ng agawan sa matataas na posisyon sa mababang kapulungan.

Ito’y matapos na matanggal si House of Representative Pantaleon Alvarez bilang Speaker of the House at pinalitan ni Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo.

Si Alvarez ay pinatalsik bago pa man ang SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte nuong July 23. Namagitan lamang si Digong sa sigalot at napakiusapan niya ang magkabilang panig na magkaroon muna ng status quo hanggat hindi natatapos ang kanyang SONA.

At dahil tapos na ang SONA, labu-labo na ngayon sa agawan sa mga matataas na posisyon, mga makatas na komite sa mababang kapulungan.

Ang pinakamainit na pinagaagawan ay ang minority leadership position. Sabi ni Representative Danilo Suarez, dapat manatili siyang Minority Leader kahit na bumoto siya kay Speaker Arroyo. Ang katwiran niya, speakership lang naman daw ang nabakante at hindi ang iba pang posisyon sa house. At dahil meron existing Minority Leader(at siya nga), bakit daw siya papalitan?

Ang iginigiit naman ng grupo ng Liberal Party sa pangunguna ni Marikina Representative Romero Quimbo, sabi sa rules, kapag bumoto ka sa winning Speaker, otomatikong miyembro ka ng majority. Kaya naman marapat na sila ang bumuo ng minorya ng mababang kapulungan.

Ang napansin ko lang, ang katwiran ng dalawang panig ay dumedepende sa interes na kanilang pinaglalaban. Pero kung susumahin mo, may katwiran ang panig ng grupo ni Quimbo. Hindi tunay na magiging critical collaborator ang isang tao na bumoto sa Speaker. Kadalasan ang mga panuntunan ay hindi nasusunod sa ganitong usapin.

Sa bandang huli, ang magiging minorya ay pipiliin pa rin ng nakaupong Speaker of the House. Ang  pagsunod sa mga panuntunan ay mahalaga lamang sa mga taong maprinsipyo. Bihira ang ganitong tao sa isang lugar kung saan ang gutter politics ay namamayani gaya ng kongreso…

Advertisement - PS04spot_img

More articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Advertisement - PS05spot_img
Advertisement - PS01spot_img

Must read

Advertisement - PS03spot_img