Brutal na Tugon

0
902

Meron akong napanuod na pelikula, suspense, ang titulo ay “The Gift”. Ito’y kwento ng mag-asawang lumipat ng bahay, nakasalubong nila ang isang dating kakilala. Ang dating kakilala ay psychotic pala at walang ibang nasa isip kundi ang paghihiganti. Ang pelikula ay tungkol sa marka at epekto sa bata, sa tao ng pambubully. Ang pelikula ay pagpapaalala kung gaano katindi ang marka ng iyong kabataan sa iyong pagkatao, gaano kasakit at traumatic ang lumaki sa isang galit na mundo. Baka masyado na akong killjoy. Panuorin niyo na lang ang pelikula.

Meron panukala si PDEA Director General Aaron N Aquino, isailalim daw sa drug test ang mga mag-aaral sa elementarya at high school. Pati ang kanilang mga guro at non-teaching personnel. As young as ten years old, marapat na sumailalim sa drug test? Mantakin ninyo, ten years old, grade 4. Eh inihahatid pa ng magulang sa iskwela ang mga batang nasa ganyang edad. Ang basehan ni Aquino sa edad? Meron na raw silang nahuling 10 years old na nagdodroga. Hindi porke’t may nahuli kang isa, eh katulad na niya yung iba.

Buti na lang, meron pa ring nagiisip sa Administrasyong Duterte gaya ni Department of Education Secretary Leonor Magtolis Briones. Hindi siya payag sa mungkahing ito. Hindi niyo ba naisip ang maaaring maging epekto nito sa murang isipan ng mga bata. Baka maging traumatic sa kanila nito. Pag may nahuling ilan, maaari silang maisailalom sa pambubully ng kanilang mga kaklase. Ako po ay naniniwala na ang mga bata hanggang high school ay pananagutan ng magulang. Hindi marapat na ipinapatupad ng estado ang kanyang kagustuhan dito. Iparaya natin sa magulang ang paggabay at pananagutan sa mga bata. Kung ang isang bata ay lumabas na masama, ang magulang niya ang marapat na managot.

Simple lang ang solusyon dito. Pagtuunan ninyo ng pansin ang issue ng Supply and demand. Mala prohibita po ang iligal na droga. Mali. Ipinagbabawal. Therefore, ang pansin ay dapat sa pagpigil ng distribusyon ng droga. Kapag naputol mo supply, hihina at liliit ang demand. Bakit kayo magpopokus sa demand, gayong lahat ng mga gamit pagputol ng supply eh nasa inyong kamay? Ang gawin ninyo, bantayan ang pagpupuslit ng droga sa ating mga pantalan na binabantayan ng mga tauhang personal na pinili ng pangulong duterte para maiwasan nang maulit ang naipuslit na P6.4B ng shabu nuong nakaraang taon.

Kung ipagpipilitan ng PDEA ang posturang ito, aba, unahin nyo muna ang sarili nyo, mga government employees at mga pulis, sundalo.

Unahin nyo muna mga pulitiko. Masyadong brutal ang ating lipunan, that is why we should always err on the side of caution.

Ang gobyerno, dati meron itong kinakatawan. Nasaan na ang pamumuno sa pamamagitan ng pagtatakda ng halimbawa. They used to move versus the objective. Pero ngayon, ang gobyerno ay pinamumunuan ng mga tao na mas inaalala na magmukha silang abala at may ginagawa, maski na mali…

#ThePhilBizNews #OneFlagOneHeart #NoToDrugTestForKids #BeSensible #DrugTestToPoliticiansPDEAPNPSoldiersAndGovernmentEmployees

(Joel Reyes Zobel is a broadcast journalist since 1991, having started with the Church-run Radio Veritas. He is currently with DZBB 594 AM kHz, the flagship radio station of GMA Network, Inc. where he teams up with veteran broadcaster Mike Enriquez at the station’s morning news program “Super Balita sa Umaga, Nationwide.” He is likewise the anchor of the top-rating afternoon program “Bangon Na, Bayan!” over GMA-DZBB 594khz AM from 4-5pm.

Over the years, Mr. Zobel has received recognitions from prestigious award-giving bodies such as the Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) Golden Dove Awards where he was judged as the 2002 Best Talk Show/Program Host; and the Catholic Mass Media Award (CMMA) where his program “Bangon Na, Bayan!” was declared Best Radio News Commentary in 2003 and 2014. This year he is received the award of Broadcaster of the Year given by the Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) and another one this year 2017. He continues to receive commendation from different sectors of the society for his cutting-edge commentaries in his program’s “Editoryal ng Bayan.”)

(DISCLAIMER: The views and opinions expressed in the columns are those of the authors and do not necessarily reflect the view of The Philippine Business and News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here