Wala sa Hulog

0
1031

Inggit lang kayo! Yan ang tugon ni Pangulong Rodrigo Rody Duterte sa mga bumabatikos sa kanyang paghalik sa labi sa isang Overseas Filipino Workers – OFW sa South Korea. Si Bea Kim, isang Pinay na nakapangasawa ng Koreano at nakabase sa Seoul ay naging game sa pakikipag “smack” kay Presidente sa lips sa harap ng mga OFWs sa korea. “Walang malisya”, ikanga ni Kim. Ginawa lamang daw nila iyon para pakiligin at pasiyahin ang mga audience. Nagpaalam naman daw ang Pangulo bago nila ginawa ang kontrobersiyal na kissing scene. Sabi naman ni Digong, “style ko yun” sa mga babae. Sa kanya anyang mga sorties nuong siya ay Mayor pa, nakilala na siya sa ganyang istilo. In fact, nuong kampanya, dami akong nahalikang babae, dagdag pa ni Digong. Ito raw ay isa sa mga nakikita niyang paraan para maipadama niya sa kanyang mga constituents na “narito ako” para sa inyo.

Two days ago, pinanigan ko ang Pangulo sa kontrobersiyang ito. Ang katwiran ko kasi, kung yung babaeng nagpahalik at hinalikan, walang naramdamang malisya, at hindi nakitaan ng masama ang kanilang ginawa, Bakit ang mga kritiko at mga moralista ay pinipilit na merong masama dito? That WAS my position. Hanggang talakayin sa akin ng aking misis ang isyung ito. Sabi niya, bakit hindi mo ilagay ang lugar mo sa kalagayan ng iba? Halimbawa, yung asawa ni Bea Kim. Kung ikaw ang asawa, matutuwa ka ba? Ang sagot ko ay HINDI. Ang kapangyarihan ay para bagang gayuma. Ang mga taong nasa lugar ng kapangyarihan ay nabibiyayaan ng kakaibang karisma. Kung nuon, pangkaraniwang mayor ka lang, iba ang gayuma pag presidente ka na. Mas matindi ang dating. Mas maraming mga babae ang ibibigay ang kanilang sarili para sa iyong pagkilatis. Dahil ba ganun, manghahalik ka na lang? Hindi ba marapat na ikaw ay tumanggi? Sabi niya, kailangan ng kakaibang sukatan ng karakter para mo magawa ito. At dahil ikaw ay pangulo na, merong mas mataas na sukatan ng asal, proper decorum ang inaasahan sa iyo.

But, thats just my wife. Pero, araw araw pinasasalamatan ko ang Diyos dahil siya ang napangasawa ko. Sabi ng kaibigan ko na si dating Comelec Commissioner Goyo Larazabal, “Some people naturally gravitate towards people of power and influence. It’s incumbent on those individuals wielding power and influence to make sure they know how to act when things like this happen. They have the responsibility to compose themselves.” That’s the ideal. Yan ang mithiin. Ang problema, sa Pilipinas ang mga huwaran, ang mga minimithi ang hindi nahahalal, hindi nailalagay sa posisyon ng kapangyarihan. Isang patunay na masyado ng bumagsak ang moral na hibla ng ating lipunan…

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here