My Way or the Highway

0
842

Huwag kayong magkakamali. Ligal ang pagkansela ng missionary visa ni Sister Patricia Fox. Ang pagpasok po sa bansa at pagpayag ng gobyerno na sila’y makapasok at manatili ay nakasalalay sa magandang asal, missionary man, tourist, o workers permit ang kinuha. Nakita ng ating gobyerno na nakisali siya, nagsalita sa rally ng mga magsasaka sa Davao na humihiling ng tunay na reporma sa lupa. Tinatanggi ni Sister Pat na siya ay nagsalita ng mga invectives laban sa Pangulong Rody Duterte. Ang mga binanggit lamang daw niya dun ay mga salitang nagbibigay suporta sa mga magsasaka gaya ng kanyang ginawa na sa mga nakalipas na administrasyon. Wala naman daw bago sa kanyang mga ginawa at sinabi. Bahagi na raw ng kanyang adbokasiya sa nakalipas na 27 taong panunuluyan sa Pilipinas ang pagtulong sa mga magsasaka. Mahigit setenta anyos na yung madre. Ano pa ba ang peligro na pwede niyang idulot sa gobyernong Duterte?

My way or the highway, yan ang klase ng pamumuno ng Pangulong Duterte. Manipis ang pagpaparaya nito sa mga kritiko. Ayaw po niya ng kompetisyon. Ganyan din ang trato niya sa mga mamamahayag na pumupuna sa kanyang pamumuno. Isa sa mga dahilan kung bakit bumagsak ng anim na pwesto ang Pilipinas sa ulat ng reporters without borders hinggil sa kalayaan sa pamamahayag. Ang utos ng hari, hindi pwedeng mabali. Well, sa pinakabagong SWS survey, bagsak ng sampung puntos ang kanyang trust rating. Malaki iyon. Bagamat 76% pa rin ng mga Pilipino ang sampalataya sa kanyang pamumuno.

Pero sabi nga nila, iconoclast si Duterte. Hindi madaling malaos. Marahil ang kanyang mga tagasuporta ay dapat tanungin, kelan ba naging mabuti sa mga consumers ang monopolya? A monopoly style of leadership. Kung merong makakapagbigay sa akin ng maayos na ehemplo, then they deserve all the things heaven is sending in their direction.

Ligal ang pagpapalayas sa bansa kay Sister Patricia Fox. Pero hindi lahat ng ligal ay moral…

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here