By Joel Reyes Zobel
Tigil putakan sa SEA Games, makatutulong ba sa imahe ng Pilipinas sa mata ng mundo? Pwede, pero superficial effect o mababaw lamang na paraan ito para pagtakpan ang mga kapalpakan na nangyari na. Sa tutoo lang, parang isang pamilya, ang bansa ay dapat sama sama sa ganitong klase ng pagkakataon. Ang karangalan na makukuha ng isang atleta ay karangalan ng buong bansa.
Isang malapit na kaibigan sa larangan ng pagbabalita sa sports ang nagbahagi ng kanyang karanasan sa pagko-cover ng SEA Games. Itatago na lang natin siya sa pangalang Adrian Flores ng Inquirer sports.
Sabi ni Andeng, hindi talaga dapat solely iniaatang sa gobyerno ang preparasyon. Ang iba’t-ibang sports associations ay dapat merong partisipasyon at ayuda. Meron dapat contingency plan. The private sector should be tapped. Ang daming pribadong kumpanya na gustong tumulong. A back up plan is always handy, dahil ang mga aberya ay nangyayari.
Sa tutoo lang, hindi lang naman ito sa ilipinas nangyari. Nangyari na ito sa India nuong 2010 Commonwealth Games. Minadali ang mga gusali na pagdarausan ng palaro. Nuong 2019, FIFA world cup, nagkagulo din ang bentahan ng ticket. Nuong 2017 SEA Games sa Malaysia, last minute nagkagulo rin ng venue sa mga laro. Wala ring sumundo sa airport sa Thai national volleyball team. Tinipid din daw sila sa breakfast. Murphy’s law, “Anything that can go wrong will go wrong.” Hindi talaga maiiwasan ang mga problema.
Ang nakakalungkot lamang sa pangyayaring ito ay ganito:
This is a reflection of how we view sports. Hindi natin ito lubusang binibigyan ng pagpapahalaga. Two years in the making ito. Nangyayari lamang ito every two years. Minamadali natin ang mga venue, last minute, hindi napaghandaan. Mabibigla ka sa reklamo ng mga atletang Pinoy, maruming tulugan, nakakasulasok na kasilyas at palikuran, kapos sa pondo para makapagsanay. Ngayon na lang natin binubuhusan ng pondo dahil nga tayo ang HOST. Ngayon na lang inaayos ang mga pasilidad. Puro pakitang tao sa mga bisita, pero sa sariling pamilya, maraming kakulangan.
Typical na Pilipino. Hindi ba dapat ay pinapaganda natin ang mga sports venues dahil gagamitin ito ng mga atletang Pinoy? Pambihira, nakapagpagawa tayo ng Cauldron na 55M Pesos ang halaga, tapos ang venue, hindi umabot sa oras? Mas mahalaga ba ang kaldero kesa sa aktuwal na pagdarausan ng laro? Aesthetic lang yan. Typical na Pilipino. Magaling sa porma, kulang sa sustansiya. Hindi dahil meron mga banyagang atleta na dapat pinapasikatan? Hindi ba dapat binibigay natin ang kanilang pangangailangan hindi dahil meron tayong home court advantage kundi dahil pinapahalagahan natin ang kanilang husay at ang karangalan. Pwede nilang ibigay sa bansa kapag sila ay sumasalang sa kompetisyon saan mang panig ng mundo, sa anumang pagkakataon? Sanay magsilbi itong pamulat ng mata sa ating mga pinuno.
Tama naman si Senador Bong Go. Huwag muna ngayon ang tuntunan. Bilang chairman ng senate committee on sports, nangako naman siyang paiimbestigahan ang mga kapalpakan pagkatapos na ng palaro. Para tayong iisang pamilya. Hindi tayo nagbabangayan sa gitna ng barilan. In the middle of a gunfight, we look at each others back. Saka na lang tayo magsuntukan pag natalo na natin ang mga kalaban.
Sa 2019 SEA Games, hindi lang po tayo ang host. Tayo po ay kabilang sa mga competitor. Kelan pa ba natin sasamantalahin ang bentahe ng home court advantage kundi ngayon? Ang pakiusap lang natin, baka pwede nang mabawasan ang kakulangan ng organizers at tiyakin ang pagbibigay ng lahat ng mga bagay na makapagpapagaling sa kakayanan ng ating mga atleta na makipagtunggali at magbibigay karangalan sa Pilipinas hindi lang bilang host kundi bilang katunggali…