Advertisementspot_img
Monday, December 23, 2024

Delivering Stories of Progress

Advertisementspot_img

BANGON NA BAYAN: Parents welfare bill

Latest article

Advertisement - PS02barkero developers premium website

THEPHILBIZNEWS Partner Hotels

Hotel Okura Manila
Hotel 101
The Manor at Camp John Hay
Novotel Manila
Taal Vista Hotel
Advertisement - PS02barkero developers premium website

Honor thy mother and thy father. Ito po ang ikaapat na kautusan ng Panginoon. Ang Panginoon na mismo ang naguutos na bigyan mo ng pagpapahalaga ang iyong mga magulang. Dahil tayo’y mga Kristiyano, itinuturo sa atin ng mga salita ng Diyos na huwag pababayaan ang ating mga magulang. Moral na obligasyon ng isang anak na alagaan ang kanyang mga magulang.

Pero, sa pamamagitan ng panukalang batas ni Senador Panfilo lacson, hindi lang moral kundi ginagawang ligal na obligasyon na alagaan ng anak ang kanilang magulang. At kapag nabigo kang gawin ’yan, mahaharap ka sa kulong mula anim na buwan hanggang sampung taon at pagmumultahin rin mula 100,000 piso hanggang 300,000 piso.

Maganda ang intensiyon ng panukalang batas ni Sen. Lacson. Kaya lang, hindi ba nito kinukunsinti ang “asa mentality” ng mga Pilipino? Ano ba yung asa mentality? Sa kulturang Pilipino, madalas na inaasahan ang nakaluluwag na miyembro ng pamilya. Etong si nakaluluwag, dahil marami ang nakaasa sa kanya, kaya kapag nagpamilya na siya, aasahan naman niya ang kanyang mga anak. Ang nangyayari, nagiging mapait na gulong ng palad o gulong ng buhay. Sabi sa mga pagaaral, nahihirapang umasenso ang mga bansa na merong ganitong klase ng kultura.

Hindi man tayo lahat magulang pa, pero tayong lahat ay mga anak ng ating magulang. Iba-iba tayo ng kwento sa buhay. Meron sa atin ang pinalad at hindi inobliga ng magulang sa kanilang pagtanda. Meron din namang hindi sinuwerte at kahit hirap sa buhay, maraming kargong kapamilya. Meron namang iba na hindi inoobliga, pero pinalaki nang maayos ng magulang, ang piniling alagaan sila.

Sa aking munting pananaw, marapat talagang magmalasakit sa magulang sa abot ng makakaya ng anak. At kung ikaw ay isang magulang na nagmamahal sa anak, dapat ay pinaghahandaan mo ang iyong pagtanda dahil ayaw mo siyempre na mahirapan ang iyong anak at agawan ng maayos na kinabukasan ang iyong mga apo.

Ngayon, kung ang paparusahan ng batas ay ang mga anak na nag-abandona sa magulang kahit pa kaya namang magbigay ng suporta, marapat na itoy maipasa. Kung ang batas naman ay kukunsinti lamang sa asa mentality o “ang bahala na si batman sa pagtanda ko” mentality ng mga Pinoy, parang hindi naman po patas.

Ano ba ang patas? Eh kung merong ganitong klase ng panukala na nagpaparusa sa mga anak na nag abandona sa magulang, kumusta naman ang batas na nagpaparusa sa mga magulang na nag-abandona sa anak?

Baka naman ang panukalang batas na ito ay nagpapasa lamang ng obligasyon ng estado sa kanyang mga matatandang mamamayan? One way or another, ang mga matatanda ay naging produktibong miyembro ng lipunan at nakatulong sa paghubog nito. Baka kailangan ang estado ang magdagdag sa kasalukuyang benepisyong natatanggap na ng ating mga matatanda. Ang hiling lamang natin, tumulong ang estado sa pagpapagaan ng pasanin at balikatin ng ating mga senior citizens. Sinasabi ng ikaapat na utos, “Honor thy mother and thy father.” Ang mga magulang ay mas mabibigyang pagkilala, mas mabibigyang karangalan ng kanilang mga anak, kung maihahanda nila ang sarili at hindi ipapaako sa mga ito ang kanilang pagtanda.

Advertisement - PS04spot_img

More articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Advertisement - PS05spot_img
Advertisement - PS01spot_img

Must read

Advertisement - PS03spot_img