Advertisementspot_img
Monday, December 23, 2024

Delivering Stories of Progress

Advertisementspot_img

FIRING LINE By Robert B. Roque, Jr.

Latest article

Advertisement - PS02barkero developers premium website

THEPHILBIZNEWS Partner Hotels

Hotel Okura Manila
Hotel 101
The Manor at Camp John Hay
Novotel Manila
Taal Vista Hotel
Advertisement - PS02barkero developers premium website

Panahon ng pagtugis, pag-aresto

Natapos na noong Huwebes ang 15 araw na palugit na ibinigay ni President Duterte para sumuko ang 2,000 presong sentensyado sa karumal-dumal na krimen na napalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Halos 1,000 rin ang mga sumuko. Ngayon, ang mga hindi pa sumusuko ay puwede nang tugisin, arestuhin at barilin kung kinakailangan dahil lumaban sa mga awtoridad na naatasang humuli sa kanila.

At take note, ang bawat isa sa mga naturang pag-aresto ay warrantless arrest. Ang tanong ng marami ay legal ba ang naturang mga pag-aresto?

Ayon sa ating Konstitusyon ay tatlo lamang ang sitwasyon na pinapayagan ang warrantless arrest – kapag nakita mong ginagawa ang krimen sa harap mo; kapag may personal knowledge ka sa krimen na ginawa; o kaya ay takas o umeskapo sa batas ang huhulihin.

Kung inyong mapupuna, sa mga nabangggit ay walang napapasok sa sitwasyon na kinabibilangan ng mga sentensyado na napalaya dahil sa GCTA.

Gan’un pa man, ang sabi nga nila, ang utos ng Pangulo ay hindi mababali at ang utos ni President Duterte ay hulihin ang mga sentensyadong napalaya dahil sa kapabayaan ng ilang opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor).  

*              *              *

Nauna rito, sinuspinde ng Office of the Ombudsman nang anim na buwan nang walang suweldo ang 27 opisyal at personnel ng BuCor dahil sa gross misconduct, gross neglect of duty dahil sa paglaya ng mga sentensyado sa heinous crimes bunga ng GCTA at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Ayon sa Ombudsman, nilabag ng naturang mga opisyal at personnel ang Revised Penal Code sa kuwestyonableng paglaya ng mga sentensyado.

Mukhang malakas daw ang mga ebidensyang nakalap dahil sa mga testimonya ng testigo at publikong mga dokumento na nagpapakita na may anomalya ang paglaya ng mga preso.

Lumalabas na nagkaroon talaga ng matinding anomalya at pang-aabuso sa pagpapatupad ng GCTA na ang mga nakinabang ay ang mga itinuturing na  korap sa BuCor.

Nangangahulugan lamang na kailangan din ng matinding imbestigasyon at balasahan sa mga kawani ng BuCor. Ang mapatutunayang sangkot sa katiwalian ay dapat sibakin sa puwesto at huwag nang payagang makapagtrabaho muli sa gobyerno.

Alalahanin na umabuso sila sa kapangyarihan at sinamantala ang puwesto para sa pansarili nilang kapakinabangan. Dalain sila para huwag na itong maulit o pamarisan pa ng ibang kawani ng gobyerno.

Lagi na lang bang magiging laman ng mga balita sa pahayagan at telebisyon ang korapsyon at pang-aabuso ng ilang mga kawani ng gobyerno? Mahiya naman kayo!!!

*              *              *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. Basahin ang mga naunang isyu ng kolum na ito sa http://www.thephilbiznews.com

Advertisement - PS04spot_img

More articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Advertisement - PS05spot_img
Advertisement - PS01spot_img

Must read

Advertisement - PS03spot_img