Sunday, December 22, 2024

Delivering Stories of Progress

Advertisementspot_img

FIRING LINE By Robert B. Roque, Jr.

Latest article

Advertisement - PS02barkero developers premium website

THEPHILBIZNEWS Partner Hotels

Hotel Okura Manila
Hotel 101
The Manor at Camp John Hay
Novotel Manila
Taal Vista Hotel
Advertisement - PS02barkero developers premium website

No Homework bill dapat ba?

Mainit na isyu sa kasalukuyan ang No Homework bill o pagbabawal sa pagbibigay ng assignment na gagawin sa bahay ng mga estudyante na paksa ng dalawang panukalang batas na inihain sa Kongreso o Kamara de Representantes.

Sa House Bill 3611 ni House Deputy Speaker Evelina Escudero ay nasasaad na magkakaroon umano ng no-homework policy ang Department of Education para sa mga mag-aaral ng kinder hanggang high school.

Ayon kay Escudero, dahil sa mga assignment na kailangan gawin sa bahay ay nawawalan ang estudyante at magulang ng mahalagang quality time na puwedeng pagsamahan sa pagpapahinga, pagre-relax at pakikihalubilo matapos ang oras sa paaralan at pati sa weekends.

Si Quezon City Representative Alfred Vargas naman ay may isinusulong na House Bill 3883 na nagbabawal sa pagbibigay ng homework kung weekend.

Ayos lang sana ang panukala ni Vargas pero ang nakatatawa rito ay ang bahagi na nagsasaad na papatawan ng multa na P50,000 at isa hanggang dalawang taon na pagkakakulong ang mga guro na magbibigay ng assignment kung weekend. Anong kalokohan ito?

Mauunawaan ko pa kung ang mga lalabag dito sa unang pagkakataon ay masususpinde at ang mga lalabag nang paulit-ulit ay posibleng ma-expel sa pagtuturo. Pero ang pagmultahin ang titser nang malaking halaga at ikulong ito? Talaga?

Alalahaning mabigat ang responsibilidad ng mga guro. Sila ang tumatayong pangalawang magulang ng estudyante kapag sila ay nasa paaralan. Sila ang gumagabay sa mag-aaral tungo sa tamang daan ng buhay habang sila ay nasa progresibong edad. Higit sa lahat, hindi sila kriminal!

Bagaman mahalaga ang homework, ihahalimbawa ko ang anak kong babae na nasa Grade 11. Halos gabi-gabi hanggang madaling-araw ay nakikita ko siyang nagsasaliksik, nagsusulat at nagpi-print ng homework na kung tawagin ay performance tasks o PTs. Isipin n’yo na lang kung isang PT kada subject? Para sa akin ay kalabisan ang homework na ito.

Kahit nauunawaan ko na ang homework ay tungkol sa disiplina na tumutulong upang maabot niya ang kanyang hangarin sa buhay, nais ko rin na makapagsaya siya.

Para sa mga bata na tulad ng pitong-taon-gulang kong anak na lalaki na nasa pangalawang grado, ang homework ay mukhang hindi epektibong pamamaraan para matuto. Sa gulang na iyon ay dapat mag-enjoy sila sa pagiging bata. Habang hindi ako sumasang-ayon sa ideya na zero homework, naniniwala ako na dapat ibigay lamang ito kung weekdays kung ito ay tungkulin na hindi natapos ng estudyante sa paaralan.

Kapag weekends ay dapat walang homework upang mabigyang daan ang mas mahalagang katuruan sa buhay – pamilya.

*              *              *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View.

Advertisement - PS04spot_img

More articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Advertisement - PS05spot_img
Advertisement - PS01spot_img

Must read

Advertisement - PS03spot_img