Advertisementspot_img
Saturday, April 20, 2024

Delivering Stories of Progress

Advertisementspot_img

FIRING LINE: Pasugalan ni Boy Abang

Latest article

Advertisement - PS02barkero developers premium website

THEPHILBIZNEWS Partner Hotels

Hotel Okura Manila
Hotel 101
The Manor at Camp John Hay
Novotel Manila
Taal Vista Hotel
Advertisement - PS02barkero developers premium website

By Robert B. Roque, Jr.

Bakit ba masasabing may asim pang taglay ang gambling lord na si Oscar Simbulan alyas Boy Abang kapag ilegal na sugal ang pinag-uusapan?

Kung hindi ba naman malupit itong si Abang, bakit patuloy na namamayagpag ang kanyang mga ilegal na bookies ng karera?

And take note, nakapipinsala nang malaki sa operasyon ng gobyerno ang ilegal na bookies ng karera.

Para sa inyong kaalaman, binabasbasan ng Games and Amusements Board (GAB) ang mga awtorisadong patayaan o Off-Track Betting Stations (OTBS) at nakadaragdag ang mga ito sa kinikita ng GAB na kanila namang inilalagak sa pondong nasyunal.

Pero ang mga ilegal na bookies ay hindi awtorisado kaya nakapagpapababa sa kita ng mga OTBS. Wala silang kontribusyon ni katiting sa kinilita ng pamahalaan. Sa madaling salita ay wala silang silbi kaya wala ring lugar sa lipunan.

Hindi naman masasabing walang ginagawa ang mga awtoridad dahil nitong nagdaang Marso lamang ay nagsagawa ng matagumpay na anti-illegal gambling operation ang pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at GAB sa Santa Ana, Maynila.

Nakatanggap ng impormayon ang mga operatiba na may establisimiyento na malapit lang sa himpilan ng Santa Ana Police Station 6 na tumatakbo bilang ilegal na patayaan sa karera ng kabayo o bookies.

Nagsagawa ng surveillance operations ang GAB at NBI at nakumpirmang totoo ang impormasyong natanggap kaya agad nilang ikinasa ang raid.

Tatlong tao ang nadakip sa operayon bukod sa dalawang mananaya na bagaman nahuli at isinama sa istasyon ay pinalaya rin naman agad.

Pero ang problema ay lumalabas na napakadalang ng mga isinasagawang operasyon ng mga awtoridad, lalo na ng mga pulis, kaya napaghihinalaang patong sila sa mga sugalan ni Abang.

Iisipin mo na ningas-kugon lamang ang mga ito. Sa simula ay masipag na manghuhuli ang mga pulis pero bukas-makalawa ay manlalamig na lang sila sa panghuhuli at iisipin tuloy na Oplan Pagpapakilala lamang ang nangyari para katakutan sila ng mga iligalista sa simula.

Si Brigadier General Debold Sinas, National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, ay nagbigay ng utos sa kanyang mga bataan na “no take policy” nang maupo ito noong Oktubre.

Ang ibig sabihin nito ay bawal sa sinumang pulis ang mangolekta o tumanggap ng lagay o suhol sa lahat ng ilegal na establimiyento tulad ng illegal gambling nina Abang, prostitusyon at lalong lalo na sa droga.

 Sa simula ay inasahan nating matindi ang utos ni Sinas pero kalaunan ay may sabit din pala ang direktiba dahil maliwanag pa sa sikat ng araw na tuluy-tuloy at lantaran ang pasugal ni Abang, tinaguriang hari ng bookies at lotteng sa Maynila, at ng ibang gambling lords.

Sila ang dahilan kaya nalulugi ang Philippine Racing Commission (Philracom) at lotto outlets. Hindi dapat ginagamit ang legal na laro para sa ilegal na pasugal.   

                                        *              *              *                            

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View.

Advertisement - PS04spot_img

More articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Advertisement - PS05spot_img
Advertisement - PS01spot_img

Must read

Advertisement - PS03spot_img