By Joel Reyes Zobel
Sa ilalim ng Republic Act 9003 o ang Solid Waste Management Act, pinapatawan ng mula tatlong daan piso hanggang limandaang libong piso ang sinumang lalabag sa batas mula sa pag-ooperate ng open dumpsites, pagmanufacture at pag import ng mga non-environmentally acceptable materials at toxic wastes. Maaari ka ring makulong mula isang araw hanggang isang taon kapag lumabag sa batas laban sa pagtatapon ng basura.
Sa bansang Australia, ang parusa sa mga indibidwal na mahuhuling iligal na nagtatapon ng basura ay umaabot ng hanggang limandaang libong Australian dollars at kulong na hanggang apat na taon. Kapag korporaayon ang lumabag, hanggang AU$M ang multa. Matindi ang pagpapahalaga ng gobyerno ng Australia laban sa pagtatapon ng basura dahil nagiging health risk ito at malaki din ang ginagastos ng gobyerno sa paglilinis ng mga basurang iresponsableng dinispatcha.
Kung ikukumpara natin sa Australia, malamya ang batas sa Pilipinas na nagpaparusa sa mga salaula. Baka kailangan muling silipin ang batas kaugnay ng solid waste management at magpataw ng mas mabigat na parusa. Kapag muling pinagaralan, atangan na rin ng responsibilidad ng pamahalaan ang mga barangay officials na siyang dapat sumuheto sa kanyang nasasakupan at tiyakin na nakasusunod sa mga panuntunan ang kanilang komunidad. Ang barangay ang first line of defense. Malaking bulto ng basura ay dinidispatcha ng mga informal settlers, mga iskuwater. Kapag merong salaula na nahuli, papanagutin din si Kapitan para matiyak na hindi na ito mangyayaring muli. Malaki na ang ginagastos ng gobyerno sa mga informal settlers. Maliban sa conditional cash transfer, relocation sites para mabigyan sila ng disenteng pabahay, pati basurang iresponsableng itinatapon nila ay ginagastusan ng gobyerno para hakutin at linisin.
Kadalasan nasasalanta ng mga pagbaha dahil sa mga basurang bumabara sa mga estero ay ang mga taxpayers na nagbibigay ng subsidiya sa kanila. Baka naman pwedeng makiusap sa inyo si Juan Pasan Cruz, huwag niyo naman salaulain ang kapaligiran para patuloy kayong masustentuhan ni Juan.
Mas mabigat na parusa ang ipataw sa malalaking kumpanya na walang waste water management facility. Mga importer ng basura ng ibang bansa na inaangkat para lang sila ay kumita ng pera at ang bansa ay maperwisyo. Sa ngayon, sampung libo hanggang limandaang libong piso lamang ang multa. Ang malakihang pagtatapon ng basura ay dapat na ituring heinous crime.
Meron nang matinding pangangailangan para protektahan ang kalikasan. Kinakapos na tayo ng supply ng tubig. Hindi natin lubusang mapakinabangan ang ating mga bukal dahil malaki ang posibilidad na kontaminado na ito ng katas ng mga basurang walang pakundangan nating itinatapon. Ang yelo sa mga malalamig na lugar ay unti-unti nang natutunaw. By 2025, nasa dalawamput limang metro ang tinatayang itataas ng tubig sa karagatan. Huwag na nating dagdagan ng basurang babara sa ating mga kanal ang hindi na maiiwasang problema na mabura sa mapa ang mga mababang lugar.
Merong kasabihan na nasa huli ang pagsisisi. Gustuhin man natin o hindi, Ang pagpapahalaga sa environmental protection ay isang bagay na hindi na natin maiiwasan. It’s now or never. Kung hindi mo ito pipiliin, literal ka nang magbilang ng panahon ng itatagal ng sangkatauhan sa mundo…