Advertisementspot_img
Thursday, December 26, 2024

Delivering Stories of Progress

Advertisementspot_img

FIRING LINE: Tukuyin

Latest article

Advertisement - PS02barkero developers premium website

THEPHILBIZNEWS Partner Hotels

Hotel Okura Manila
Hotel 101
The Manor at Camp John Hay
Novotel Manila
Taal Vista Hotel
Advertisement - PS02barkero developers premium website

By Robert B. Roque, Jr.

Maganda ang hangarin ni Senator Risa Hontiveros sa panawagan sa Department of Health (DOH) na pangalanan ang pharmaceutical firms na humaharang umano na mapababa ang presyo ng mga medisina, lalo na ang 120 gamot para sa pangkaraniwang sakit tulad ng hypertension, diabetes, sakit sa puso, kanser, asthma at iba pa.

Sa talakayan ng DOH 2020 budget ay nagpahayag si Hontiveros na malakas umanong iniimpluwensyahan at kinokontra ng ilang kompanya ng parmasya ang mungkahing gamitin ng gobyerno ang kapangyarihan nito sa ilalim ng Cheaper Medicines Act (RA 9502) na mapababa ang hindi parehas na presyo ng medisina.  

Isang asosasyon ng mga kompanyang parmasya ang tumanggi sa mungkahi na mapababa ang presyo ng 120 medisina dahil hindi umano ito magiging produktibo.

Kung totoo raw ang mga ulat, ang mga kompanyang ito ay dapat pangalanan at matanong kung bakit nila kinokontra ang mga inisyatibo para mapababa ang presyo ng medisina. Dapat din umano itong mapagpaliwanag kung bakit mas mahal ang kanilang mga gamot sa international reference prices (IRP).

Tinukoy ni Hontiveros na mas inuuna pa ng naturang mga kompanya ang malalaki nilang tinutubo at kinikita kaysa sa bukay at kalusugan ng mamamayan.

Sa panahon nga naman na kabi-kabila ang mga nagkakasakit sa kapaligiran, mas makabubuti kung abot-kamay ng publiko ang presyo ng mga gamot.

Nais paalalahanan ni Hontiveros ang mga kompanya ng parmasya na bagaman nauunawan niya ang hangarin nilang mapagbuti ang sistema ng healthcare sa bansa, ang saksakan nang taas ng mga gamot sa pribado at pampublikong sektor ang nagpapahina sa sa epektibong pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan na ikinapipinsala ng mahihirap.

Ipinaliwanag niya na 41 porsyento gastos sa kalusugan ng mga Pilipino ay nauuwi sa pambili nila ng mga gamot. Sa ibang mga bansa na malakas ang kita ay 19.7 ang gastos samantalang sa mga bansa na mababa ang kinikita ay 30.4 porsyento ang gastos.  

Akalain ninyong ibinebenta ang mga medisina nang halos apat na beses sa IRP nito samantalang ang mga branded na gamot ay nabebenta nang halos 22 beses na mas mataas, lalo na sa mga pribadong ospital at parmasya.    

Sa ilalim ng maximum retail price scheme, ang presyo ng mga piling mga gamot ay mababawasan ng 56 porsyento mula sa kasulukuyang presyo nito sa merkado sa oras na pinirmahan ni President Duterte ang executive order ukol dito.  

Kaya ngayon pa lang ay dapat malaman kung sinu-sinong kompanya ng gamot ang humaharang sa Cheaper Medicines Act para ma-boycott o hindi tangkilikin ang kanilang produkto.

Huwag ipagkait sa mga Pilipino, lalo na sa mga mahihirap, ang karapatan nilang mabuhay at makabili ng murang gamot.

                                        *              *              *                            

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View.

Advertisement - PS04spot_img

More articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Advertisement - PS05spot_img
Advertisement - PS01spot_img

Must read

Advertisement - PS03spot_img