Advertisementspot_img
Wednesday, January 22, 2025

Delivering Stories of Progress

Advertisementspot_img

FIRING LINE By Robert B. Roque, Jr.

Latest article

Advertisement - PS02barkero developers premium website

THEPHILBIZNEWS Partner Hotels

Hotel Okura Manila
Hotel 101
The Manor at Camp John Hay
Novotel Manila
Taal Vista Hotel
Advertisement - PS02barkero developers premium website

Malaking tulong sa mahihirap

Lahat-lahat ay may kabuuang 120 ang bilang ng mga mamahaling gamot na irerekomenda ng Department of Health (DOH) na mapababa ang presyo sa ilalim ng planong maximum drug retail price (MDRP).

Inilabas na ng DOH ang talaan ng mga gamot na ginagamit para sa mga may sakit na hypertension, diabetes, sakit sa puso, sakit sa baga, psoriasis, arthritis at pati mga may mabibigat na kaso ng kanser.  

Ayon kay DOH Undersecretary Eric Domingo, pabababain nila ang mga presyo ng mga gamot upang mapabuti ang kalagayan at kalusugan ng maraming Pilipino pero hindi naman nila hahayaang malugi ang mga kompanya ng gamot.

Ang planong MDRP ay alinsunod sa Republic Act 9502 na kilala rin bilang Cheaper Medicines Act of 2008. Ang pagbaba ng presyo ng mga gamot ay magsisimula sa sandaling mapirmahan ni President Duterte ang executive order ukol dito.  

Sa ilalim ng naturang plano ay hindi biru-biro na mapabababa ng mahigit kalahati o 50 porsyento ang presyo ng piling mga gamot sa merkado. Ang mga gamot ay napili batay sa pangkaraniwang presyo ng mga ito sa southeast Asia at ibang progresibong mga bansa. Ibinatay rin ito sa bigat ng karamdaman at kalubhaan ng mga kondisyon na dulot nito.      

Ayon pa kay Drug Price Advisory Council Chairman Doctor John Wong sa isang pulong balitaan, tinitiyak nila na ang presyo ng mga gamot ay kakayanin at hindi magiging mabigat sa bulsa ng mga Pilipino pero magiging parehas pa rin ito sa mga kompanya. Ikinumpara rin pala nila ang presyo nito sa presyo ng mga gamot na ibinebenta sa ibang bansa.  

Tinukoy ni Domingo na ang Pilipinas ay nagbabayad pa rin ng mataas na presyo ng mga gamot kumpara sa ibang mga bansa kahit na bumaba ang presyo ng generic na mga gamot sa mga nakalipas na taon.

Ang mga generic na gamot ay ibinebenta pa rin ng apat na beses na mas mahal sa orihinal na presyo nito samantalang ang droga o medisina na masasabing branded ay ibinebenta ng 22 beses na mas mahal lalo na sa mga pribadong ospital at botika.        

Kung dami raw ng mga gamot ang pag-uusapan, mas malaki ang bahagi ngayon ng tinatawag na generic medicines pero kung presyo umano ang pag-uusapan, mas malaki pa rin ang share ng mga medisinang matatawag na branded.

Alam naman nating lahat kung gaano kabigat ang presyo ng mga gamot at ang problema na ibinibigay nito sa balikat ng may sakit na si Juan dela Cruz at pati na sa mga kaanak niya.

Kung matutuloy ito ay dapat nating ipagpasalamat dahil magiging malaking tulong ito sa mahihirap nating kababayang may sakit.

                                        *              *              *                           

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. Mababasa rin ang mga naunang kolum sa thephilbiznews.com.

——————

Editor’s Note: Robert B. Roque Jr. is a veteran journalist who started out as a correspondent for Manila Bulletin’s tabloid TEMPO in 1983. In 1989, at age 27, he rose to become the youngest associate editor of a newspaper of national circulation. In mid-2000, he took the helm of the paper as its editor until his voluntary retirement in 2012. He currently writes a syndicated column for TEMPO, Remate, and Hataw newspapers, the online news site Beyond Deadlines, and now for THEPHILBIZNEWS.COM. A former journalism lecturer at the Faculty of Arts and Letters of the University of Santo Tomas from 1992 to 2002, Roque is also an active member of the Lions Clubs International, the largest service club organization in the world, having served as head of the Philippine Lions (council chairperson) in Lion Year 2011-2012. His column appearing here regularly will be written in Filipino on Tuesdays and in English on Thursdays.

Advertisement - PS04spot_img

More articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Advertisement - PS05spot_img
Advertisement - PS01spot_img

Must read

Advertisement - PS03spot_img