Advertisementspot_img
Thursday, December 19, 2024

Delivering Stories of Progress

Advertisementspot_img

FIRING LINE By Robert B. Roque, Jr.

Latest article

Advertisement - PS02barkero developers premium website

THEPHILBIZNEWS Partner Hotels

Hotel Okura Manila
Hotel 101
The Manor at Camp John Hay
Novotel Manila
Taal Vista Hotel
Advertisement - PS02barkero developers premium website


Presinto para sa mga LGBTQ?

Isang bagong hakbangin para sa Philippine National Police (PNP) ang paglulunsad nito kamakailan ng unang presinto na pinangangasiwaan ng pawang babaeng pulis.

Tinaguriang “Mariang Pulis”, binuksan ang all-women police station sa bayan ng Maria sa lalawigan ng Siquijor upang ipakita ang suporta ng PNP sa pagpapalakas sa estado ng kababaihan, ayon kay Brigadier General Debold Sinas, Director ng Police Regional Office 7 (Central Visayas).

Ayon kay Sinas: “This move will strongly advance women empowerment in promoting public safety and security services at all levels of police units and offices in the region.”

Dahil sa ideyang ito ni Sinas, hindi na ako magugulat kung may hihiling naman ng presinto na para lang sa mga LGBTQ+.

*              *              *

Ngayong pinatawan na ng Ombudsman ng anim na buwang suspensiyon ang 30 opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor), maaari nang imbestigahan ng gobyerno ang kontrobersiya sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) nang hindi nangangambang maaatraso ito.

Puwede pa ngang palawakin ang imbestigasyon sa paghalungkat sa iba pang paraan ng kurapsiyon at kapalpakan ng ahensiya.

Gaya nga ng nabanggit ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa isang radio interview, ang “…investigation is ongoing so that we will find out all types of corruption there, so that heads will be rolling other than the suspension made by the Ombudsman”.

Ito rin naman talaga ang inaasahan ng publiko. Dapat lang na may managot, kurapsiyon man o kapalpakan ang nasa likod ng pagpapalaya sa mga hinatulan sa karumal-dumal na krimen.

Mantakin n’yong apurahin ang GCTA list para lang may maiprisinta sa isang press conference sa Palawan? Anong klaseng trabaho ‘yun?!

Ayon kay Senator Richard Gordon, nagdoble-doble pa nga ang mga pangalan sa listahan ng mga bilanggong napalaya na ng Korte Suprema at ng mga kamakailan lang na-commute ang sentensiya. Ang malala pa nito, kasama pa sa nasabing listahan ang plunder convict na si Janet Lim Napoles, na namali pa ng kinakaharap na kaso, at naging rape.

Naiintindihan ko kung bakit gusto ni Justice Secretary Menardo Guevarra na maibalik sa Department of Justice (DoJ) ang “kontrol” sa BuCor.

Gayunman, naniniwala akong ang nasabing “kontrol” ng DoJ ay dapat na tumuon sa masusing pangangasiwa sa BuCor, hindi sa pagbawi sa kabuuang kontrol ng kagawaran sa ahensiya, na sa totoo lang ay “papatay” sa Republic Act No. 10575, ang batas na nagpatatag dito.

Makatutulong marahil ang pagtatakda ng BuCor ng mas istriktong mga kuwalipikasyon para sa mga opisyal, kawani, at guwardiya nito, na sasabayan ng regular na review sa performance ng mga ito sa trabaho, at sa management system ng mismong ahensiya.

*              *              *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View.

Advertisement - PS04spot_img

More articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Advertisement - PS05spot_img
Advertisement - PS01spot_img

Must read

Advertisement - PS03spot_img