Advertisementspot_img
Saturday, January 18, 2025

Delivering Stories of Progress

Advertisementspot_img

BANGON NA BAYAN By Joel Reyes Zobel

Latest article

Advertisement - PS02barkero developers premium website

THEPHILBIZNEWS Partner Hotels

Hotel Okura Manila
Hotel 101
The Manor at Camp John Hay
Novotel Manila
Taal Vista Hotel
Advertisement - PS02barkero developers premium website

Batas panatiliin, tao ang tanggalin

Ang good conduct time allowance o GCTA, ay hindi na ho bago. Matagal nang nasa Revised Penal Code ito. Ang bago lamang sa GCTA sa ilalim ng RA 10592 ay dinagdagan lamang ang araw na pwedeng ibawas sa sentensiya.

Ang tanong ngayon ay ganito: Kaya pa bang pabalikin ang mga heinous criminals na pinalabas kahit hindi sila eligible sa GCTA, gaya ng iniuutos ng Malacañang?

Sinasabi sa Section 5, Article 99 ng nasabing batas: “Who grants time allowances” – basta pinapayagan ng batas – the Director of the Bureau of Corrections, the Chief of the Bureau of Jail Management and Penology and/or the Warden of a provincial, district, municipal or city jail ang magbibigay ng good conduct allowance. At kapagka naibigay na, hindi na pwedeng bawiin pa. Maliban na lamang kung magkakaroon ng baligtad na kautusan ang Korte Suprema, sabi ng batas, hindi na ito pwedeng bawiin pa.

’Yan ang dahilan kung bakit ang mga napakawalan sa ilalim ng GCTA na mga heinous crime offenders ay hindi na pwede pang pabalikin sa kulungan.

Ngayon, sinasabi ni Senador Sherwin Gatchalian, para daw maging simple ang buhay natin pare-pareho, iabolish na lang natin ang GCTA. Para wala ng kurapsiyon at lagayan sa BuCor (Bureau of Corrections). Mawalang galang na po, pero hindi ho ako sumasangayon sa pananaw. Kung susundin mo ang pananaw ni Gatchalian, para maging simple ang buhay natin, tanggalin na rin natin ang TRAIN Law dahil kinumplika nito ang buhay ng mga Pinoy.

Again, maganda ang pakay ng batas. ’Yan ay bigyan ng dagdag na bawas sa sintensiya ang mga bilanggo na eligible.  Ang pakay naman talaga ng correction ay ireporma ang mga bilanggo. Meron naman ineligible sa GCTA. Yan ay ang mga paulit-ulit na nakagawa ng krimen, at mga napatunayang nagkasala ng karumaldumal na krimen. Malinaw ang batas sa bagay na yan.

Mali lamang o sadyang minali ang intindi ng mga opisyal na binigyang kapangyarihang magbawas ng sintensiya sa ilalim ng batas. Yan ay malinaw na paglabag ng batas. Hindi ang pagbuwag sa batas ang paraan para resolbahin ang problemang ito. Ang dapat gawin ay tanggalin ang mga tao na pinagsamantalahan at kinurap ang batas. At sinasabi sa batas na sinumang lalabag dito ay makukulong ng isang taon, pagmumultahin ng isandaang libong piso, at kailanman ay hindi na makakaupo sa anumang puwesto sa gobyerno. Maikling panahon lamang ng kulong at maliit na halaga lamang ang multa kung ikukumpara sa paniwala na malaki ang lagayan sa GCTA.

Ang hirap sa sistema, hindi nagkaroon ng oversight powers ang Justice Secretary at ipinaubaya lamang ng batas sa BuCor Director at jail wardens ang kapangyarihan. Alam naman nating lahat na ang sistema ay nakukurap kapag nagkaroon ng human intervention o pakikialam ng tao. Anong diperensiya kapag dinagdagan natin ng layer ng oversight? Well, at the very least, mas mahigpit ang pagdaraanan bago mapalabas ang isang bilanggo.

Kapag ang sistema ay merong human intervention, merong emosyon at motivation na involved diyan. Papaano natin mababawasan ang pagkakamali ng tao sa sistema habang ipinapatupad natin ang batas? Yan ang dapat na pakay ng imbestigasyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Advertisement - PS04spot_img

More articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Advertisement - PS05spot_img
Advertisement - PS01spot_img

Must read

Advertisement - PS03spot_img