FIRING LINE by Robert B. Roque, Jr.

0
635

Duterte policy pinuri

Nakatagpo ng papuri ang pagharap ni President Duterte sa problema sa West Philippine Sea (WPS) mula sa opinion section ng pahayagan ng China.

Sa kolum ng Communist Party’s People’s Daily ni Li Qinqing sa pahayagang Global Times ay binalikan ni Li ang sinabi ni Duterte sa State of the Nation Address (SONA) na ayaw niyang mauwi sa digmaan ang hidwaan sa karagatan at ipinagtatanggol ang verbal na kasunduan na puwedeng mangisda ang Tsino sa exclusive economic zone ng Pilipinas.

Tinanong ni Li kung bakit masigasig si Duterte na kumilos sa mapayapa at mahinahong pamamaraan sa South China Sea? Naunawaan daw kasi nito na mas makikinabang ang bansa kung isasantabi ang hidwaan at hahangarin ang pakikipagtulungan ng China.

Akalain ninyong nagawa pang banggitin ni Li na ang paninindigan ni Duterte sa WPS ay ilang ulit nang binatikos sa sariling bansa dahil lumalabas na masyadong kumikiling sa China.

Naikuwento rin niya na nang maging Pangulo si Duterte noong 2016 ay mas pinili niyang maging malapit sa China kapalit ng makukuhang economic deals at investments. Isinantabi rin niya ang pagkakapanalo ng Pilipinas sa Beijing, na nagbasura sa claims ng China sa South China Sea.

Sa halip na palakihin ang hidwaan at magbitiw ng maaanghang na pananalita laban sa China, ang mga bansa na sangkot sa isyu ay dapat daw mag-focus sa joint development kung nais nila ng kapayapaan at mabawasan ang tensyon sa South China Sea.

May mga bansa raw na binibigyan ng higit na kahulugan ang mga desisyon ng China, inaakusahan ang China ng pambu-bully at nagtatanim pa ng hindi pagkakaunawaan sa mga bansa sa rehiyon.

Ang kooperasyon daw sa pagitan ng Pilipinas at China ay dapat magsilbing modelo sa rehiyon. May kasunduan nga raw ang dalawang bansa noong 2018 na magtitimpi sa mga aktibidad sa South China Sea na puwedeng magpalala sa mga hidwaan at makaapekto sa kapayapaan. Sa madaling salita, gusto pala nilang maging sipsip sa kanila ang mga bansa.

Maraming Pinoy ang hindi sasang-ayon sa pananaw ni Li dahil sa tingin nila, hangga’t nasa loob ng ating exclusive economic zone ang mga Tsino ay maituturing silang squatter sa ating bansa. Puwede naman magtimpi sa kapwa maliban na lamang kung tayo na ang direktang inaapi sa loob ng ating teritoryo.

Natural lang daw na purihin ng taga-China ang ginagawa ni Duterte dahil sila ang pinapaboran nito. Pero ano ang tingin dito ng karamihan ng Pinoy? Mabuti na nga lang daw at si Li na rin ang nagbanggit na talo sila sa Pilipinas at naibasura na ang pambubuwaya ng China sa WPS.

*              *              *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here