Advertisementspot_img
Friday, March 29, 2024

Delivering Stories of Progress

Advertisementspot_img

FIRING LINE: Manyanita

Latest article

Advertisement - PS02barkero developers premium website

THEPHILBIZNEWS Partner Hotels

Hotel Okura Manila
Hotel 101
The Manor at Camp John Hay
Novotel Manila
Taal Vista Hotel
Advertisement - PS02barkero developers premium website

By Robert B. Roque, Jr.

Sa kultura ng bansang Mexico na nakaimpluwensya rin nang husto sa Pilipinas noong panahon ng Kastila, ang salitang manyanita ay tumutukoy sa padiriwang ng kaarawan ng isang tao o pista ng santo.

Ito ay kadalasang ipinagdiriwang pagkalipas ng hatinggabi o sa madaling araw sa pamamagitan ng pag-awit para gisingin ang may kaarawan.

Hindi tulad ng isang birthday party, ang manyanita ay simpleng pagdiriwang na kadalasa’y dinadaluhan ng mga kaanak lamang. Ito ay simpleng pamamaraan upang batiin ang may kaarawan at kantahan ng espesyal na awitin. Kalaunan ay naragdagan ang pagdiriwang ng pagkain ng cake at pamimigay ng regalo.

Kamakailan, naging kontrobersyal ang salitang manyanita sa pagdiriwang ng kaarawan ni Major General Debold Siñas, hepe ng National Capital Region Police Office, na umani ng sandamakmak na batikos lalo na sa social media.

Lumabas kasi rito ang mga larawan na kuha sa birthday party na dinaluhan ng higit-kumulang sa 50 panauhin na nakitang umiinom ng alak nang dikit-dikit kahit umiiral ang liquor ban at maliwanag na binabalewala rin ang social distancing.

Ang katwiran ni Siñas ay hindi naman daw party ang naganap kundi simpleng manyanita lamang. Matatawag bang simpleng manyanita ang naganap samantalang nag-iinuman ang 50 katao na hindi na inintindi ang social distancing?

Nakalimutan yata ni Siñas na ang buong mundo, hindi lamang ang Pilipinas, ay kasaluyang dumaraan sa krisis na dulot ng pandemyang COVID-19.

Bukod dito, nasa gitna pa tayo ng quarantine na sumasakop sa milyun-milyong Pinoy mayaman man o mahirap. Kabi-kabila ang hinuhuli ng mga bata ni Siñas na lumalabag sa quarantine.

Ngayon ay makikita ng mga tao na sila mismo na nagpapatupad ng batas ang lumalabag nito? Ano ba naman iyan? Ano ba kung magtiis man nang kaunti dahil panahon ng krisis? Huwag kalilimutan na ang mga opisyal ang tumatayong modelo na susundan ng mamamayan.

Maging sensitibo naman kayo sa damdamin ng iba. Alalahanin na ang karamihan ng mga tao ay halos mabaliw na dahil hindi makalabas ng bahay at walang makain. Tapos ay makikita nila kayo na bumabaha ang pagkain at inumin sa handaan?

At ang matindi pa ay nang alisin ni Siñas ang kanyang face mask para hipan ang cake. Kung may COVID-19 siya ay baka marami na siyang nahawahan sa pagkakataong iyon. Marami ring panauhin ang nakitang walang suot na face mask.

Magkaroon naman kayo ng kaunting kahihiyan. Hindi porke’t mga opisyal kayo ay wala na kayong pananagutan sa batas. At bilang mga opisyal, dapat ay mas mabigat ang parusa na ipapataw sa bawat isa sa inyo ngayong nasampahan na kayo ng kaso.

Alalahanin na walang hindi nasasaklaw ang batas. Ang lahat ay pantay-pantay.

 

                                        *              *              *                             

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View.

 

Advertisement - PS04spot_img

More articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Advertisement - PS05spot_img
Advertisement - PS01spot_img

Must read

Advertisement - PS03spot_img