FIRING LINE: Hustisya

0
653

By Robert B. Roque, Jr.

Matapos ang isang dekadang paghihintay ay nakamit na rin sa wakas ang inaasam na hustisya sa tinaguriang Maguindanao massacre – ang pinakagrabeng at karumal-dumal na insidente ng karahasan noong 2009 na may kaugnayan sa pulitika sa ating kasaysayan.

Ito ang pinakamalupit na pag-atake sa mga mamamahayag na naganap sa buong mundo kung saan 32 sa 58 mga nasawi ay miyembro ng press.

Sinentensyahan ng reclusion perpetua o pagkakakulong ng aabot sa 40 at nagmasaker sa convoy ng karibal sa pulitika na si Esmael “Toto” Mangudadatu.

Si Mangudadatu ay nasa Maynila nang maganap ang masaker. Si Andal Sr. ay namatay naman noong 2015 bago pa maibaba ang hatol. Inaasahan naman na aapila pa rin ang kampo ng mga Ampatuan.

Marami ang nag-alala dahil hindi maiiwasang may maghinala na walang mangyayari sa kaso dahil mabibigat at maiimpluwensyang  tao ang sangkot sa krimen.

Nakasalalay sa kaso ang paniniwala ng publiko na buhay pa rin ang hustisya sa ating bansa. Ngayong lumabas na ang desisyon ay mapapanatag na rin agan-agam sa puso ng mga mamamayan.

Pero buo na nga ba ang hustisyang inaasam na makuha ng ating mga kababayan? Hindi ba sila mag-aalala dahil may mga miyembro ng pamilya Ampatuan ang napawalang-sala sa kaso?

Na-acquit sina Sajid Islam at Akmad “Tato” Amapatuan kaya tuloy pa rin ang panagamba ng kaanak ng mga biktima.

Ayon sa ulat ay iaapela ni Mangudadatu ang pagpapawalang-sala kay Sajid dahil kasama sa mga pagpupulong at pagpaplano sa masaker. Ngayon ay nasa pulitika pa rin ito sa pagiging alkalde ng munisipalidad ng Shariff Saydona Mustapha sa Maguindanao.

Si Akmad Tato na manugang ni Andal Sr. at na-acquit din sa kaso ay nagpahayag ng mga opinyon sa naturang mga pagpupulong na nagpapahiwatig na payag siya sa gagawing masaker.  

Habang may nakalalayang miyembro ng pamilya Ampatuan ay patuloy na mangangamba ang mga kaanak ng mga biktima na baka gantihan sila ng mga ito.

At paano kalilimutan ng kaanak ng mga biktimang mamamahayag ang panawagan nila ng hustisya para sa kasamang Reynaldo Momay, ang 61 anyos na photojournalist na ang katawan ay hindi pa rin natagpuan ng mga awtoridad?  

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo ay makikita sa desisyon na nanaig ang rule of law sa kaso. Sa bandang huli ay desisyon pa rin daw ng Korte Suprema ang mananaig.

Bagaman panandaliang nanilbihan si Panelo bilang abogado para sa mga Ampatuan noong 2014, nakagugulat pa rin na nagpahayag ito na ang walang awang pagwawalang-bahala sa pagiging sagrado ng buhay ng tao ay hindi na dapat maulit kailan man. Buong pusong sumasang-ayon dito ang Firing Line.

                                        *              *              *                            

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here