BANGON NA BAYAN By Joel Reyes Zobel

0
759

PCSO, pinasara ni Duterte

Matapos tanggalin si dating pcso General Manager Alexander Balutan, obviously hindi rin nagawan ng paraan na tesolbahin ang korapsiyon ng ahensiya ng pumalit kay Balutan na si Royina Garma. Akala ko hindi na darating. Ang alin? Ang campaign against illegal gambling. Alam kong hindi kasing halaga ng campaign against illegal drugs ang kampanya laban sa iligal na sugal kay Pangulong Duterte, but if you are up against corruption, tamang ang problema sa PCSO ay tugunan.

Again, this is very impressive. Ang hakbang ng Pangulong Duterte. Nagawa niya ang hindi nagawa ng mga nakalipas na administrasyon ni Gloria at ni Noynoy. Panahon ni Gloria ng isa ligal ang small town lottery para daw mapuksa ang jueteng. Ang nangyari, ang mga jueteng lords din ang kumuha sa prangkisang ibinigay ng PCSO at ginamit lamang na legal front ang kanilang STL operations para ipagpatuloy ang kanilang illegal jueteng operations. Dumating ang administrasyon ni Noynoy. Ang campaign promise niya, pasensiyahan na lng daw sa mga jueteng lords. Ang nangyari, tayo nag pasensiya dahil mas lumala pa ang jueteng operations nuong mga panahong iyon.

Bagamat hindi naipangako ni Duterte ang pagpuksa sa jueteng, ang naipangako niya ay puksain ang korapsiyon. Naglagay ng mga taong merong kredibilidad na singtibay ng pader pero nasira din dahil sa tindi ng tukso ng korapsiyon sa ahensiya. Ang mga namuno dito na nangakong papatay sa halimaw ng korapsiyon ang kalaunan ay nilamon ng halimaw.

Tama lamang na ito ay mahinto. At isa sa mga paraang nakita ng Pangulo para once and for all ay matigil ang korapsiyon ay ipahinto ang lahat ng operasyon ng PCSO. Marapat na isailalim sa assessment ang lahat ng gambling operations at alamin kung alin ang napapakinabangAN at alin ang hindi at ugat lamang ng korapsiyon. STL should go. Alam natin ang mga STL operators ay sila ring mga gambling lords na kung ilang dekada ng nabibigyan ng ganansiya ng mga nakaraang gobyerno at gatasan ng mga tiwaling opisyal ng pamahalaan. Ang lotto ay maaaring magpatuloy para mapagkunan ng pondo ng mga mahihirap nating mga kababayan na nangangailangan ng ayuda sa knilang pangangailangang medikal. Habang suspendido ang operasyon ng lotto, PAGCOR daw muna ang pwedeng hingan ng tulong.

Nananawagan ang mga lotto operators na huwag silang idamay sa desisyon ng Pangulo na ipatigil ang operasyon ng PCSO dahil sa korapsiyon. Ang tadtad lang naman ng korapsiyon na palaro ng ahensiya ay ang STL at peryahan ng bayan. Ang lotto, maliban sa transparent, ay revenue generating operation ng PCSO. Actually, kaya pa namang makapag operate ng PCSO at makapagpaabot ng tulong medikal para sa mga nangangailangan hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan. Pero pag pasok ng 2020, masasaid at matutuyot na ang pondo nito. San ngayon kukuha ng pondo ang PCSO?

Hands down, STL at ang peryahan ng bayan ang pugad ng korapsiyon sa ahensiya. Dapat yan ang mawala. Dapat yan ang puntiryahin ng imbestigasyon, tuklasin kung sino ang nakinabang at papanagutin sila sa batas. Pero ang lotto? Ang isang araw na kitang mawala sa mga namuhunan ay isang araw na pagkalugi sa kanilang negosyo at isang araw na kawalang hustisya sa kanila. The president MUST and SHOULD reconsider.

Hindi mo kailangang sunugin ang buong bahay para litsunin ang STL. Hindi mo kailangang sunugin ang buong bahay dahil pinasok ka ng daga. Kuha ka ng pest control para puksain ang peste.

Marapat na suportahan ang Pangulo sa kanyang desisyon sa PCSO. Hindi natin kelanman pwedeng hayaang gamitin ang gobyerno bilang front para magpatuloy ang iligal na gawain gaya ng jueteng. Hindi pwedeng gamitin ang gobyerno para dayain ang gobyerno mismo sa mga buwis na hindi binabayaran sa paglipana ng iligal na aktibidad na ito…

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here