Advertisementspot_img
Wednesday, December 18, 2024

Delivering Stories of Progress

Advertisementspot_img

FIRING LINE: Talamak pa rin ang ilegal na POGO

Latest article

Advertisement - PS02barkero developers premium website

THEPHILBIZNEWS Partner Hotels

Hotel Okura Manila
Hotel 101
The Manor at Camp John Hay
Novotel Manila
Taal Vista Hotel
Advertisement - PS02barkero developers premium website

By Robert B. Roque, Jr.        

Tuluy-tuloy pa rin pala ang operasyon ng mga ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Matapos mapaulat na isa-isa nang nagsisialis dito ang mga lehitimong kumpanya ng POGO — na sana’y hindi na magsibalik — isa pang online gambling facility ang nadiskubre sa Makati City noong nakaraang linggo.

Limampung Chinese na empleyado ng Hua Xin POGO firm ang inaresto sa isang condo unit sa Makati nitong Hulyo 6.

Ayon sa Makati City Police, ang Hua Xin ay nag-o-operate nang walang kaukulang permit mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at sa pamahalaang lungsod ng Makati.

Ito ang ikalawang beses na sinalakay ng mga awtoridad ang isang illegal POGO operation sa Makati matapos na pansamantalang ihinto ng lungsod ang pag-iisyu ng business permit sa mga online gambling operator noong Disyembre 2019.

Ilan nga kaya ang mga illegal POGO na nag-o-operate sa bansa sa ngayon?

Posible kayang ito ang alternatibo ng mga kumpanyang Chinese na ito dahil mistulang nahihirapang makakuha ng clearance mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga lisensyado nilang counterpart, kaya hindi magawang magbalik-operasyon?

Papayagan lang kasing mag-operate muli ang isang lisensyadong POGO kung naisyuhan na ito ng tax clearance ng kawanihan.

Bukod pa sa bayaring buwis, may karagdagang 5 porsyentong franchise tax ang kailangang bayaran ng operator.

Maiisip ng iba na istrikto ang BIR sa pagpapatupad ng tax rules sa sektor na ito, pero hindi ito ang siste kung hindi nila mapuwersa ang mga kumpanyang ito na magbayad ng nakakalulang utang nila sa buwis.

Nabuking sa Senate hearing na ang POGO industry ay may kabuuang P50 bilyon utang na withholding income, corporate, at franchise taxes noong 2019.

Kasunod ng pagbubulgar na ito, ilang POGOs ang nagpahayag ng kagustuhang kanselahin na lang ang kanilang lisensiya at ilipat ang kanilang operasyon sa ibang bansa.

Pero kakailanganin muna nilang bayaran ang utang nila sa buwis bago tuluyang kanselahin ng PAGCOR ang kanilang offshore gaming permit.

*         *         *

Hindi pupuwedeng basta na lang talikuran ng mga POGO ang mga obligasyon nilang pinansyal sa bansa, habang ang kanilang mga small-time counterpart ay tuluy-tuloy lang sa ilegal na pagtatrabaho sa Pilipinas. Ang paulit-ulit na pambabastos na ito sa ating mga batas at pagsuway sa mga awtoridad ay malinaw na pang-iinsulto sa ating at sa mamamayan nito.

Lantarang sinusuway ng mga dayuhan ang mga batas na obligado nating sundin bilang mga Pilipino. Okay lang ba ‘yun sa inyo?

*         *         *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View.

Advertisement - PS04spot_img

More articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Advertisement - PS05spot_img
Advertisement - PS01spot_img

Must read

Advertisement - PS03spot_img