Advertisementspot_img
Wednesday, January 22, 2025

Delivering Stories of Progress

Advertisementspot_img

FIRING LINE: Pagiging high-profile inmate, isang ‘comorbidity’?

Latest article

Advertisement - PS02barkero developers premium website

THEPHILBIZNEWS Partner Hotels

Hotel Okura Manila
Hotel 101
The Manor at Camp John Hay
Novotel Manila
Taal Vista Hotel
Advertisement - PS02barkero developers premium website

By Robert B. Roque, Jr.

Ano ba talaga ang nangyari sa drug convict na si Jaybee Sebastian? Ano ang totoo: Namatay, pinatay o buhay ba siya?

Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor), namatay si Sebastian sa COVID-19, gayundin ang walo pang kapwa niya high-profile inmates sa National Bilibid Prisons.

“Well-documented” daw ang nangyari sa mga ito, mula sa pagpopositibo sa virus, pag-isolate, hanggang sa cremation, ayon kay BuCor Spokesperson Gabriel Chaclag, kaya imposibleng pineke ang kanilang pagkamatay, tulad ng hinala ng marami.

Sino bang hindi magsususpetsa kung halos sunud-sunod na namatay ang siyam na sentensiyado sa malalaking kaso ng droga, at iisa ang itinuturong nagpatumba sa kanila, ang coronavirus?

Ang anunsiyo ng pagkamatay ni Sebastian ay may kasamang litrato ng abo raw nito. Pero maging ang kawawang abo ay pinagdudahan. Kinuwestyon ang kulay, komposisyon, dami, at ang mismong katotohanan kung abo nga ba ito ng tao. Abo nga ba iyon ni Sebastian?

Ang unang hinala ng marami, hindi totoong namatay si Sebastian — o kahit ang walo pang high-profile inmates. May suspetsang pinalabas lang daw na patay na sila para mapalaya, salamat sa palusot ng COVID-19.

Sa kaso ni Sebastian, hindi siya dumaan sa awtopsiya. Hindi rin binuksan ng mga taga-crematorium ang kanyang body bag, alinsunod sa health protocols sa mga nasawi sa COVID-19.

Kung wala nang bakas si Sebastian maliban sa abo niyang nakasilid sa plastic, paano pa mapatutunayang siya nga iyon? Sakali namang nakumpirmang siya nga, paano malalaman kung coronavirus nga ang kanyang ikinamatay?

Sa exclusive report ng CNN Philippines, sinabi ng iba pang bilanggo at kanilang mga pamilya na totoong pumanaw na raw si Sebastian, pero hindi dahil sa COVID-19. Pinatay daw ito, at itinuro pa si BuCor Director General Gerald Bantag na may pakana ng lahat.

*         *         *

Naghain na ng magkahiwalay na resolusyon sina Senate President Tito Sotto at Senator Risa Hontiveros para imbestigahan ang pagkamatay sa COVID-19 ng siyam na high-profile inmates sa Bilibid.

Dito na inaasahang masasagot ang maraming katanungan at malilinawan ang katotohanan sa misteryong bumabalot kung bakit lubhang “nakamamatay” ang COVID-19 para sa mga high-profile inmates ng Bilibid. Ito ay kahit pa mismong Department of Interior and Local Government (DILG) na ang nagsabi na nasa 82 porsyento ang recovery rate ng COVID-19 cases sa mga kulungan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at 1 porsyento lang ang fatality rate sa mga bilanggo.

‘Tila yata ang pagiging high profile inmate ay isang “comorbidity” kaya mas delikado na “ikamatay” nila ang coronavirus.

*         *         *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View.

Advertisement - PS04spot_img

More articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Advertisement - PS05spot_img
Advertisement - PS01spot_img

Must read

Advertisement - PS03spot_img