UNCENSORED: Answering false information

0
790

By Manuel L. Morato
(Last of 2 parts)

The Facebook Page named Quezon City News Bulletin published something last April 13, 2019 that was shared out on Facebook reached me entitled “Breaking News: Documents prove that Manuel Morato waived his rights over Morato Family’s Disputed Quezon City property.”

Let me say this again categorically, why will I waive my inheritance from my parents to him? Why? Who is he who has stolen so many things from me?  He, Jose Morato, did everything contrary to my mother’s Holographic Will, written in her own handwriting,

There was no way for me to get the address of “Quezon City News Bulletin.”  So I resorted to addressing and answering your false allegations in my column in The Philippine Business News, the newspaper I write in, who graciously acceded to accommodate my side.  I thank THEPHILBIZNEWS for accommodating me, for if not, I would have no means of answering your lies.

For your information, I’ve been writing for People’s Journal since 1994. Believe it or not, I am prohibited to mention the names of the Belmontes because according to its Chief Editor, Gus Villanueva, former Speaker Feliciano (Sonny) Belmonte went to see Congressman Martin Romualdez tell Gus not to allow me to mention the Belmonte names in my column.  I abided with the instruction. To this day, I religiously follow the censorship imposed on me by the Belmontes. Call it politics, but to me iba ang dating. Dapat malaman ng tao ang katotohanan para hindi magpatuloy ang masasamang gawain.

Nasagot ko na ang masasamang pinagsasabi ninyo sa inyong “Quezon City News Bulletin.”  Nais ko sanang sagutin din kayo doon sa inyong Quezon City News Bulletin pero hindi ko po malaman kung saan ang office ninyo.  Please search for my column on “thephilbiznews.com” na lumabas noong Martes. 

Kung meron po kayong email, ipadala po ninyo sa aking email: mlmorato@yahoo.com ng masagot ko kayo at maipadala ko ang mga falsified documents na ginawa nong kapatid ko na bunso (70 years old na) na kasosyo ng mga Belmonte at ni Exy Robles ng Sta. Lucia Land.  Ni-landgrab po ang bahay at tatlong lupa ng aming ancestral home upang makapagpatayo sila ng 21 storey condotel sa residential area dito sa amin.  Binigyan po ni Joy Belmonte Alimurung ng “Special Permit” ang sarili niyang pamilya na bawal sa batas for a government official to favor her own relatives up to the 4th degree of consanguinity. 

Sanay po ‘yang grupo na ‘yan gumawa ng masama.  Ni hindi man lamang nag “due diligence” bago wasakin ang aming ancestral home.  Bawal po yung mag-giba ng structures 50 years old and above sa Republic Act 10066 to preserve historical sites.  Ang bahay po ng aming magulang ay over 70 years old na po, in very good condition.  Dapat po dumaan sa Korte lahat ang heirs kung walang mag-oobject na lahat ng mga anak.na heirs sa properties ng aming ina na yumaon nong May 31, 2002.

Hindi po ‘yon ginawa at hindi din po kami sinabihang magkakapatid na magkakapit-bahay lang po kami sa aming family compound.  Bigla na lang po nag-takeover itong grupo at pinaderan ang aming gates leading to our parents’ home.  Hindi po ‘yan mangyayari kung buhay pa po sana ang aming ama na First Mayor ng Quezon City, appointed by President Manuel L. Quezon in October 12, 1939, the day the City Charter was signed.

My father passed away on March 6, 1965.  Ever since, the property was in the name of our mother married to Tomas B. Morato who passed away on May 31, 2002.  Ang ama namin passed away nong March 6, 1965.

Anim po kaming anak at kami pong anim ang nagmana nong ancestral home at tatlong lote. At ganoon din po sa lahat ng ari-arian sa Quezon Province at sa Spain.  Pinagsasabi po niyang Jose Morato na ninakawan daw namin siya sa mga properties ng aming magulang sa Spain.  Nagsinungaling na naman po ‘yang Jose Morato to “justify” bakit niya sinamsam ang minana naming lahat sa Pilipinas.  Sukat po bang umabot sa punto na kami pang apat na magkakapatid ang nagnakaw daw.  Sabi niya hindi raw namin binigyan ng share niya.  Walanghiya.  Nasa documents na hawak ng sister ko married in Spain ang pirma ni Jose Morato bawat may nabenta.  Marami po doon nabenta nong buhay pa ang aming ama.  At may nabenta din nong buhay pa ang aming ina.

Sukat pong sabihin na hindi daw siya binigyan ng parte niya sa Espana.  Kung hindi lang po masama sumumpa sa Diyos, isusumpa ko po talaga na pare-pareho po ang hatian.

Ang tunay po na sitwasyon ay nong ilagay sa aming anim na pangalan ‘yong mga properties na naiwan, hindi po mailagay ang pangalan ni Jose Morato at 13 anyos lang po noon.  Pero sa hatian ng benta, pirmi po naibigay sa kanya ang kanyang Karapatan.  Tanungin ninyo ‘yong sinundan na kapatid, ‘yong Francisco, ika-lima.  Siya po ang pumipirma ng cheke pag maghatian together with my married sister in Spain.  Wala po ako sa Espana at hindi po ako kasali sa bentahan.

Mantakin po ninyo na kaming magkakapatid ang pinagbibintangan niya na ninakawan daw siya at hindi ibinigay daw nong sister ko sa Spain ‘yong share niya.  Nagalit pa nga ako sa kapatid kong babae sa Spain.  Kasinungalingan pala ni Jose Morato ‘yong pinagsasabi sa akin.  Nagalit tuloy sa sister ko sa Spain at kinampihan ko tuloy tong bunsong kapatid.  Inaway ko po yong sister ko at kung anu-anong sulat ang nagawa ko para paboran itong Jose Morato.  ‘Yon pala eksperto ito sa divide and rule. Ang ginawa niya, sinadya niyang pag-away-awayin kaming magkakapatid para manatili ‘yong kanyang plano na “Divide and Rule.”

Dahil dito sa kaso sa Korte na sinampa naming lima, ilinabas lahat ang mga falsified documents.  Ang lumalabas, niloko niya ang aming Ina na ipinangako na aalagaan nila at ng kanyang asawa, mga anak at hanggang mga apo.  He sold to Joy Belmonte ‘yong house and lot na bigay sa lahat ng anak; at lumipat siya at pamilya sa bahay ng biyuda kong Ina.  Doon niya plinano ang pagpapapirma sa aming Ina sa blank sheets ng bond paper na ang sabi ita-type na lang daw niya ang authorization mag-withdraw sa dollar at peso accounts ng aming Ina sa BPI branch sa Morato Avenue.  Hanggang ngayon, wala siyang accounting ng mga deposito sa bangko ng aming ina.

Dahil sa kasinungalingan ni Jose Morato upang siraan ang mga kapatid to exercise his “Divide and Rule” Machiavellian strategy, nanghingi ako ng patawad sa bunso kong kapatid na babae sa Spain na pinagbintangan ni Jose Morato na hindi daw siya binigyan ng parte niya.  Pinadala sa akin ‘nong sister ko ang record to prove that Jose Morato received all his shares.  Naibigay pala lahat.

Ako po’y walang alam sa bentahan sa Espana at wala ako doon nong mga panahon na ‘yon.  Nasa America ako at inaalagaan ko rin po ang aking Ina dito sa Pilipinas nong siya’y nabiyuda na.

Yong sinundan niyang kapatid namin na Francisco Morato ay mortal enemy silang dalawang bunsong lalaki.  Ako po ang panganay at tatlong babae po ang sumunod sa akin.  Elvira Morato Cuenca; Teresita Morato Lazatin at si Lolita Morato Quiros na married in Spain.  Ang ikalimang nag-file din ng kaso sa korte ay itong Francisco Morato na dating mortal enemy ni Jose Morato.  Sa dami ng kuwartang ninakaw sa amin sa pagbenta ng ari-arian ng aming Ina dito at sa Quezon Province na sinarili niyang Jose Morato at matagal na palang ginagawa sa amin na wala kaming kaalam-alam hanggang gibain ang magandang bahay (6 bedrooms) ng aming Ina na regalo sa kanya ng aming Ama nong 1950s pa.  Noon lang namin nalaman na winawalanghiya na pala kami. 

Itong sinundo na ikalima, si Francisco Morato, na kasama namin nag-file ng kaso sa Korte, hinarap si Jose Morato – ‘yang puno at dulo ng kaso namin; at sinabi na bayaran daw siya ng parte niya at kakampi siya kay Jose Morato.  Sa makatuwid, ibinenta niya ang prinsipiyo niya.  Ngayon magkasama na ‘yong dalawa para lokohin kaming apat.  Hindi na po bale at mula’t sapul naman hindi na naming apat maintindihan ang masamang ugali niyang dalawang bunsong lalaki.  Hindi po namin alam ang magiging katapusan nito.  Nasa otsenta anyos na po kaming apat na magkakasunod at magkakampi.

Ang partnership po nila, nitong dalawang bunsong kapatid namin na mga lalaki at nakadikit kay Sonny Belmonte na kaibigan ko ng 40 years at pati kanyang asawa na si Betty.

Sinabihan ko nga po bakit ginawa nila ‘yan sa amin kasama mga anak na nakita kong lumaki – si Joy, si Isaac, si Miguel at si Kevin.  Sa totoo lang, si Betty lang ang mabait sa kanila at pirmi dito sa akin; at pirmi din akong iniimbita sa bahay nila diyan sa E. Rodriguez at binabasahan ako ng Bibliya.  Pero simula po nong namatay si Betty, sumama na po lahat ang kanyang pamilya.  Tatapatin ko na po kayo.

Sabi sa akin ni Sonny Belmonte, wala ng maisagot sa akin kundi ang “ayusin na ninyo Manoling ‘yang differences ninyo sa inyong pamilya.”  Sinagot ko siya: Hindi puwede Sonny pag hindi ka at si Exy Robles haharap sa amin at kayo ang nagturo sa aking kapatid kung papaano nanakawin ang pag-aari at mana namin sa aming Ina at kasabwat ni Pepito sa ginawa sa amin.  Hindi niya ‘yan magagawa sa amin kung hindi ninyo tinuruan. 

Kinuwento sa akin niyang Jose Morato nong nasa hospital ako at naoperahan sa puso.  Sabi niya, siya daw ang dummy ninyo.  Siya daw ang tagabili ng building at mga lupain para sa inyo.  Tapos ipinapasa daw niya dalawang beses sa ibang tao para hindi ma-trace.  Ay ganoon din ang ginawa sa property of my mother.  May dummy siya na iligal na tao ng ang pangalan ay Benjamin Sim na taga 41-B Mapagkawanggawa St., Teachers Village, West Diliman, Quezon City na nagkunwari siya ang authorized to sell my mother’s properties.  Ginamit po ni Jose Morato na dummy sa krimen; at pinalabas pa na siya ang authorized to sell my mother’s properties.

Ibinenta kay Isaac Belmonte, Miguel at Kevin tapos ibinenta kay Jose Morato.  Nag-rigodon lang.  ‘Yan ang modus operandi nila.  ‘Yan din ang paraan na ginamit sa mga properties ni Sonny Belmonte.  Si Jose Morato din ang nag-dummy kay Sonny Belmonte.  ‘Yon din ang ginawa sa amin.

For comments and suggestions email at mlmorato@yahoo.com

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here