Advertisementspot_img
Wednesday, January 22, 2025

Delivering Stories of Progress

Advertisementspot_img

FIRING LINE: Hustisya para kay Ragos

Latest article

Advertisement - PS02barkero developers premium website

THEPHILBIZNEWS Partner Hotels

Hotel Okura Manila
Hotel 101
The Manor at Camp John Hay
Novotel Manila
Taal Vista Hotel
Advertisement - PS02barkero developers premium website

By Robert B. Roque, Jr.

Hustisya para kay Ragos

Hustisya ang sigaw ng pamilya ni Private First-Class Winston Ragos, ang retiradong militar na walang awang binaril ng opisyal ng kapulisan dahil lamang sa paglabag sa ipinatutupad na quarantine.

Ang nakapatay na pulis ay nagngangalang Police Master Sergeant Daniel Florendo Jr. at naganap ang pamamaril bandang alas-2:30 ng hapon sa Barangay Pasong Putik, Quezon City.

Umapaw ang galit at pagbatikos ng marami nang lumutang ang video ng walang saysay na pagkakapatay sa sundalo. Bihira lang ang kumakampi sa pulis at sumasang-ayon na dinepensahan lang niya ang sarili sakaling may dalang baril ang nakaharap na sundalo. Ang karamihan ay kumakampi sa kaanak ng namayapang sundalo.

May nagsabi naman na ang naganap ay resulta nang direktiba ni President Duterte sa kanyang mga pulis na kung may papalag sa kanila ay “Shoot them dead!” Ano nga naman ang katiyakan na hindi ito mauulit muli sa ibang sundalo, pangkaraniwang tao o sa iyo at mahal mo sa buhay?

Para sa kaalaman ng lahat, kinumpirma kasi ng Philippine Army na dating nagserbisyo si Ragos sa militar pero binigyan ng disability discharge noong 2017 dahil lumabas sa pagpapatingin na may post traumatic stress disorder (PTSD) ito.

Ito rin ang dahilan kung bakit marami ang hindi sumasang-ayon sa naganap na pagbaril nang dalawang ulit sa biktima, na itinuturing na isang bayani. Sa katunayan ay inilibing ito sa Libingan ng mga Bayani.

Mahirap talaga ang buhay ng sundalo kahit wala na siya sa digmaan. Nakipaglaban siya sa mga rebelde at terorista na nais pabagsakin ang gobyerno kaya nakaroon ng war shock at PTSD. Pagkatapos ng lahat ng hirap at pinagdaanan ay magwawakas pala ang buhay niya sa kamay ng isang itinuturing na kakampi sa pagtatanggol sa bayan.

Kung ibabatay sa video ng pamamaril, hindi naman kailangang umabot sa pagpapaputok ng baril. May sapat na oras para dis-armahan kung totoong may dalang baril ito at kung kailangan talagang magpaputok ng pulis, puwede naman na hindi pamatay kundi para kontrolin lamang ang biktima.

May PTSD siya, kaya pala makikitang ganu’n na lamang ang pagwawala ng isang lalaki para makiusap na huwag siyang barilin. Ang malinaw, ang biktima ay may bottled water pero wala itong kalibre 38 tulad nang naulat. Hindi siya armado. Ang mga sundalo ay hindi gumagamit ng revolver.

Puwede siyang barilin sa paa halimbawa pero mas ginusto ng pulis na wakasan na lamang ang buhay niya. Hindi dapat pagtakpan o i-whitewash ng Philippine National Police (PNP) ang pamamaril na ito.

Pero kung tutusin, ang kaso ay hindi dapat imbestigahan ng kapwa pulis o militar at makabubuting National Bureau of Investigation (NBI) ang magsiyasat para maging parehas at makamtan ng pamilya Ragos ang hinahanap na hustisya.

                         *              *              * 

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View.

Advertisement - PS04spot_img

More articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Advertisement - PS05spot_img
Advertisement - PS01spot_img

Must read

Advertisement - PS03spot_img