Advertisementspot_img
Saturday, November 16, 2024

Delivering Stories of Progress

Advertisementspot_img

FIRING LINE: Isang Paglilinaw

Latest article

Advertisement - PS02barkero developers premium website

THEPHILBIZNEWS Partner Hotels

Hotel Okura Manila
Hotel 101
The Manor at Camp John Hay
Novotel Manila
Taal Vista Hotel
Advertisement - PS02barkero developers premium website

By Robert B. Roque, Jr.

Nais ko lang bigyan ng liwanag ang termino na “frontliners” na sa palagay ng karamihan sa ating ating mga kababayan ay tumutukoy sa mga doctor, nurse at ibang gumagamot o tumitingin sa mga kawawang nabiktima ng nakamamatay na coronavirus 2019 (COVID 19).

Ang termino na mas angkop sa kanila ay Health Care Workers (HCWs) o mga nagboluntaryong tumulong at mag-asikaso sa mga nagkaroon ng problema kaugnay ng virus.

Ang totoo kasing frontliners ay walang iba kundi tayo mismong mga tao sa komunidad, dahil tayo ang unang humaharap at lumalaban sa panganib na dala ng COVID 19. 

Ito rin ang pananaw ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na nagsabing ang publiko ang dapat nasa unahan ng laban sa virus.

Ang kapulisan at iba’t ibang ahensya naman ng pamahalaan ang masasabing kabilang sa second-liners o nasa pangalawang hanay ng lumalaban sa virus.

Ang mga doktor at ibang health professionals ay nabibilang naman sa ikatlo at huling hanay ng depensa laban sa COVID 19, ayon pa rin kay Lacson.

Mabuti na rin na batid ng lahat kung ano ang ating pinag-uusapan, kahit na nakasanayan na nilang tawaging frontliners ang mga HCWs na ilan na rin ang nasasawi at nakapag-alay ng sariling buhay sa dedikasyon para sa mga nagkasakit ng COVID 19.

Kaya hangga’t maaari ay ibigay sana natin ang suporta na puwede nating ibigay sa ating HCWs dahil kapag silang lahat ay nagkasakit at naubos, kawawa tayong lahat.

                                        *              *              *

Ngayon naman ay hayaan ninyong kunin ko ang pagkakatong ito para manawagan sa ating mga kababayan na seryosohin ang ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Nangako naman si President Duterte na ang tulong na pera at pagkain ay darating sa lahat ng mamamayan. Wala raw mamamatay sa gutom. Manalig tayo sa ipinangako niya.

Huwag tayong lumabas ng bahay at sumunod sa mga ipinaaalala ng ating gobyerno, mga opisyal at ng kapulisan dahil naririyan sila para magkaraoon tayo ng kaayusan.

Hindi tayo pinalalabas ng bahay para huwag nang kumalat ang virus. Gawin ang sinasabi ng Department of Health (DOH) na social distancing o pagkakalayo natin ng isang metro o tatlong talampakan sa isa’t isa. Huwag magdidikit-dikit.

Mas makabubuti kung magkakalayo ng anim na talampakan para maiwasan ang droplets na ibinubuga ng nagsasalita, umuubo o bumabahin na may virus.

Kung hindi ay may posibilidad na ma-extend ang quarantine nang walang katiyakan kung kailan talaga tatapusin.

Nais ba ninyong mapalawig pa ang quarantine? Kung magtatagal pa ito ay dapat mag-alala tayong lahat. Baka bukas-makalawa ay hindi na makabangon ang ibang negosyo at tuluyan nang mamatay ang ekonomiya.

Ano ang mangyari kung tuluyang babagsak ang bansa, ang ekonomiya at lahat ng mamamayan?

                                        *              *              *                            

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View.

Advertisement - PS04spot_img

More articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Advertisement - PS05spot_img
Advertisement - PS01spot_img

Must read

Advertisement - PS03spot_img