Advertisementspot_img
Sunday, November 17, 2024

Delivering Stories of Progress

Advertisementspot_img

FIRING LINE: Trahedya

Latest article

Advertisement - PS02barkero developers premium website

THEPHILBIZNEWS Partner Hotels

Hotel Okura Manila
Hotel 101
The Manor at Camp John Hay
Novotel Manila
Taal Vista Hotel
Advertisement - PS02barkero developers premium website

By Robert B. Roque, Jr.

Masaklap mang tanggapin pero trahedya ang isinalubong ng taon 2020 sa ating mga kababayan agad-agad sa pagputok ng Bulkang Taal sa Batangas noong Enero 12.

Sa unang mga araw ay nakarating pa sa Metro Manila ang ashfall o abo na nagmula sa bulkan na nagpahirap sa paghinga ng mga mamamayan, lalo na ang mga may sakit. Biglaang nauso na naman ang paggamit at pagsusuot ng face mask bilang proteksyon para sa marami.

Nagpatupad ng lockdown sa paligid ng bulkan ang mga awtoridad at hindi pinapapasok o pinababalik sa kanilang mga kabahayan ang mga residente ng lugar. Puwesahan ding inilikas ang ilang mga residente. Ang ibang residente  naman ay mas pinili ang manatili sa kanilang mga tahanan para magbantay.

Libu-libong mamamayan ang dinala sa mga evacuation center para pansamantalang manirahan doon nang sama-sama. Nabubuhay lamang sila sa pamamagitan ng tulong na ibinibigay ng gobyerno, mga foundation at concerned citizens.

Nagkaroon pa nga ng bahagyang tensyon sa pagitan ng mga awtoridad at residente na nagnanais bumalik sa kanilang mga tahanan para mag-check sa kanilang ari-arian o mga alagang hayup.

Ang mga hayup ay sadyang naging kawawa dahil kumakapal na at kumakapit ang ashfall sa katawan na hindi natatanggal agad-agad. Ang iba naman ay hindi pinalad mabuhay dahil naipit o nadaganan ng bumagsak na bahagi ng bahay. Bilyun-bilyon na ang pinsala sa mga pananim. 

Maganda lamang na nakitang muling nabuhay ang diwa ng pagtutulungan o bayanihan sa mga mamamayan sa oras ng pangangailangan.

                                        *              *              *                            

Ang mga eksena ng bumagsak na bahagi ng gumuhong bahay o gusali o nagkabitak-bitak na lupa dahil sa lindol na sanhi ay ang pagputok ng bulkan ay hindi pa masasabing grabe kumpara sa magiging epekto kapag tumama sa atin ang pinangangambahang “the Big One” o ang super-lakas na lindol na tinatayang nasa magnitude seven pataas.

Libu-libo ang posibleng masawi lalo na sa mga bahay na mahina ang pagkakagawa dahil substandard ang materyales na ginamit sa pagtatayo nito.

Hindi makakalkulang pinsala ang puwedeng idulot nito sa buong Metro Manila hindi lamang sa hanay ng mga buhay na puwedeng mawala na baka mahigit kalahati ng populasyon, ang mga property na puwedeng  masira at mga daanan na maaaring mawasak.

Sinasabi na dapat ay lagi tayong handa sa kahit anong sitwasyon na puwedeng maganap. Pero sino ba ang puwedeng maging handa kapag hinagupit tayo ng lindol? Kahit na ilang beses pa tayong sumailalim sa mga earthquake drill ay hindi ito mapaghahandaan.

Ang tanong ay handa na ba tayong humarap sa mga kaganapang ito na hindi basta-basta puwedeng paghandaan kapag nangyari?

                                        *              *              *                            

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View.

Advertisement - PS04spot_img

More articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Advertisement - PS05spot_img
Advertisement - PS01spot_img

Must read

Advertisement - PS03spot_img