Advertisementspot_img
Monday, November 18, 2024

Delivering Stories of Progress

Advertisementspot_img

FIRING LINE: Babala

Latest article

Advertisement - PS02barkero developers premium website

THEPHILBIZNEWS Partner Hotels

Hotel Okura Manila
Hotel 101
The Manor at Camp John Hay
Novotel Manila
Taal Vista Hotel
Advertisement - PS02barkero developers premium website

By Robert B. Roque, Jr.

Ang mga dayuhang negosyante sa Binondo, Maynila ay sinabihan ni Manila Mayor Isko Moreno na ang kanilang establisyemento ay ipasasara kung mabibigo silang magbayad ng tamang buwis, sumunod sa mga patakaran at batas o magbayad nang tama sa kanilang empleyado.

Ayon kay Moreno ay hindi niya gusto ang mga dayuhan na nagsasamantala sa mga Pilipino pag dating sa kanilang suweldo. Hindi sila dapat kumuha ng mga Pilipino kung hindi nila ito kayang bayaran.

Nag-iisyu raw si Moreno ng karampatang babala sa pumapalpak na amo dahil ayaw niyang gumawa ng marahas na aksyon hangga’t maaari.

Kung magpapatuloy raw ang kawalan ng hustisya sa kabila ng mga babala, wala nang dahilan para magreklamo ang mga maaapektuhan ng magiging aksyon ng lungsod.

Sinabihan din ng alkalde ang mga dayuhang negosyante na malaya nilang maibebenta ang kanilang  mga paninda sa kabisera ng bansa sa oras na sumunod sila sa mga kautusan lalo na sa tamang pagbabayad ng suweldo ng mga manggagawa.

Nauna rito, nakatanggap si Moreno ng mga reklamo mula sa mga manggagawa na inaabuso umano ng kanilang mga amo. Ang balita sa mga naturang pang-aabuso ay matagal nang umiikot sa lungsod.

Umapila rin ang alkalde sa mga may-ari ng establismiyento na tumanggap ng senior citizens at persons with disability para maging produktibo sila.

Patuloy pa rin si Moreno sa paghahandog ng karagdagang pagsisikap upang malinis ang lungsod at maging modelong lugar ang Maynila para sa lahat, residente man o manggagawa.

Ang totoo, madalas makatanggap ng reklamo ang Firing Line tungkol sa mapang-abusong amo na nagbabayad sa kanilang empleyado ng kakarampot na halagang P100 hanggang P150 para sa isang araw na trabaho.

Bukod dito, nalaman ko na pinagbabawalan sila na kumain ng kahit ano sa oras ng trabaho, kahit meryenda, at hindi puwedeng maupo sa kahit anong oras mula simula ng kanilang trabaho hanggang sa gabi na magsasara sila ng puwesto.

Gayunman, hindi maaasahan ang mga dayuhang amo na ito na gawing regular ang kanilang empleyado makalipas ang anim na buwan o higit pa ng regular na pagtatrabaho.

Karamihan ng mga negosyanteng ito ay hindi rin nagbabayad ng tamang buwis, walang kaukulang permit para suportahan ang kanilang negosyo at hindi sumusunod sa batas. Ganu’n pa man, patuloy silang nagpapatakbo ng kanilang mga puwesto.  

Hindi ko maintindihan kung paano mag-isip ang mga dayuhang amo na ito. Bakit patuloy nilang dinaraya ang ating mga kababayan sa pinaghirapan nilang pera? Bakit nagpapakita sila ng labis na kalupitan sa mga Pilipinong manggagawa?

At higit sa lahat, paano sila nakapag-operate sa lungsod kung wala pala silang hawak na karampatang permiso sa simula pa lamang?

                                        *              *              *                            

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View.

Advertisement - PS04spot_img

More articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Advertisement - PS05spot_img
Advertisement - PS01spot_img

Must read

Advertisement - PS03spot_img