Advertisementspot_img
Wednesday, November 6, 2024

Delivering Stories of Progress

Advertisementspot_img

BANGON NA BAYAN: Krisis sa edukasyon

Latest article

Advertisement - PS02barkero developers premium website

THEPHILBIZNEWS Partner Hotels

Hotel Okura Manila
Hotel 101
The Manor at Camp John Hay
Novotel Manila
Taal Vista Hotel
Advertisement - PS02barkero developers premium website

By Joel Reyes Zobel

Ang pagbabasa at maintindihan kung ano ang binasa ang ibig sabihin ng reading comprehension. Ang pagiging matatas ang sukatan ng kagalingan ng tao na maintindihan ang kanyang binabasa.

Merong limang estratehiya para maging magaling sa reading comprehension. Una, pagpapagana ng mga natutunan sa nakaraan. Batay sa mga pagsasaaliksik, mas naiintindihan ng bata ang kanyang binabasa kapag nauugnay ang mga baon na kaalaman sa mga bagong nalalaman.

Pangalawa, pagtatanong. Pag hindi naintindihan, huwag mahihiyang magtanong sa magulang o guardian kundiman sa guro mismo.

Ikatlo, pag-intindi sa laman ng pangungusap.

Pang apat, visualization o pagsasalarawan

Panglima, summarization o pagbubuod.

Bakit napakahalaga at dapat pangunahin sa kailangan malaman o matutunan ng mga magaaral ang pag intindi sa kanilang binabasa? Crucial po yan. Nakatutulong ito hindi lang para maintindihan, kundiman ay masiyahan sa binabasa. Makatutulong ito hindi lang sa pang akademiko, kundi maging sa propesyunal at personal na buhay.

Ang tanong, hindi kaya ang dahilan ng kahinaan ng mga kabataan na magbasa at intindihin ang kanilang binabasa ay dahil ang mga nagtuturo, ang mga guro ay hirap ding matutunan ang bagay na ito? O kundiman ay hindi lubos itong naituturo? Hindi kaya ang mga bata ay mapurol dahil ang kalidad ng pagtuturo sa kanila ay mapurol din?

Merong pag aaral ang Philippine Institute of Development Studies na ang pamagat ay “Pressures on public school teachers and implications on quality”.

Ang pag aaral ng PIDS ay nagbibigay babala sa pagbibigay ng trabahong administratibo at iba pa sa ating mga pampublikong guro na maaaring maging dahilan para lumihis ang kanilang atensiyon sa kanilang pangunahing trabaho, ang epektibong pagtuturo.

Sa ilalim ng magna carta for public school teachers, ang mga guro ay inaatasang magkaloob ng anim na oras na “actual teaching” kada araw. Maliban dito, binibigyan pa sila ng ibang trabaho. Baka kailangan ng DepEd na kumuha ng karagdagang administrative staff para ang mga teaching personnel ay makapag concentrate sa pinakamahalagang trabaho nila, ang pagtuturo.

Sa panahong mas mataas na ang sahod ng mga pampublikong guro kumpara sa pribado, walang dahilan para masakripisyo ang kalidad ng edukasyon na binibigay sa ating mga kabataan. Merong pangangailangan na baguhin ng DepEd sa lalong madaling panahon ang kanilang mga patakaran. Kung hindi, ang pilipinas ay mananatiling third world habang panahon.

Merong kasabihan, Ang kabataan ang kinabukasan at pag-asa ng bayan. Kung ganito ang kalidad ng mga kabataan na nililikha ng sistema ng ating edukasyon, ano ang kinabukasang aasahan ng bayan? Wala masyado…

Advertisement - PS04spot_img

More articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Advertisement - PS05spot_img
Advertisement - PS01spot_img

Must read

Advertisement - PS03spot_img