BANGON NA BAYAN By Joel Reyes Zobel

0
639

Print media censorship

Kung ang pelikula at telebisyon ay merong MTRCB para magbigay ng klasipikasyon, dapat ang print media ay meron din. Yan ang katwiran ni Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo sa panukalang isailalim sa klasipikasyon ang mga tabloids na merong mga malaswang larawan at mga istoryang meron sexual content. Isang hakbang na sa kanyang paniniwala ay paraan para hindi kung sinu-sino na lang ang pwedeng bumili nito, at upang maprotektahan ang ating kabataan.

Sa panig naman ni UP journalism professor Danilo Aras, dapat maghinay-hinay si Castelo dahil ito’y isang porma ng media censorship. Kung bibigyan ng kapangyarihan ang gobyerno na i-censor ang media content, maaaring sagkaan nito ang kalayaan sa pamamahayag.

Sa totoo lang, marami talagang mga tabloid na gumagamit ng mga malalaswang larawan para makapagbenta ng kopya. Maliban sa mga reputable tabloids gaya ng Abante, Tempo, People’s Journal, Bandera, Inquirer Libre at iba pa.  Talaga namang ang iba, pangalan pa lang, may kabastusan na.

Ito ba ay isang paraan ng media censorship, maaari. Kasi karamihan naman talaga ng mga bastos na tabloid ay naghahatid din ng balita. Binibigyang proteksiyon sa Bill of Rights ang press freedom o kalayaan sa pamamahayag.

Bigyan ng marapat na pagkilala ang hakbang ni Rep. Hipolito. Maganda ang hangarin. Ilayo at gabayan ang mga bata sa tama at angkop na mga reading materials na kanilang marapat na binabasa.

Pero kung ako tatanungin, sayang lang ang efforts sa hakbang na ito. Bakit kanyo, sa ating lipunan ay nailista being Fourth Estate ang news media: TV, radio, print. Pero merong dagdag na diyan: ang social media. In the advent of social media, print media is a dying institution. Ang mga balita ay accessible na sa social media platforms. Hindi ka na bibili ng tabloid o diyaryo para malaman ang mga balita.

In fact, ang mga print media ay gumagamit na rin ng social media in order to survive. Kasabay nito, ang porno can be easily accessed through the internet. Hindi na sila bibili ng tabloid. Hindi mo naman pwedeng i-censor ang internet dahil yan ay labag sa panuntunan ng isang malusog na demokrasya. Unless you are like communist China na pati FB ay inaccessible. Kaya ang masasabi lang natin sa paksang ito?

Next bill, please…

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here