Advertisementspot_img
Saturday, January 18, 2025

Delivering Stories of Progress

Advertisementspot_img

BANGON NA BAYAN By JOEL REYES ZOBEL

Latest article

Advertisement - PS02barkero developers premium website

THEPHILBIZNEWS Partner Hotels

Hotel Okura Manila
Hotel 101
The Manor at Camp John Hay
Novotel Manila
Taal Vista Hotel
Advertisement - PS02barkero developers premium website

Edsa one way, yes way

Sa larangan ng transportation engineering, ang traffic flow ay ang pag-aaral sa pagitan ng mga manlalakbay, kabilang na rito ang mga pedestrian, nagbibisikleta, mga drivers at kanilang mga sasakyan, at imprastraktura, mga kalsada, signages at mga traffic control devices gaya ng traffic light. Layon nitong maintindihan at makadevelop ng isang makabuluhang transport network na mainam ang takbo ng traffic, na magbibigay daan para maging maliit lamang ang suliranin sa pagsisikip ng traffic.

One-way traffic flow sa eDSA at C5. Yan ang panukala ni Leyte Representative Roger Mercado. Sa kanyang lugar sa lungsod ng Maasin ay naging matagumpay ito at inaakala niyang magtatagumpay din ito sa EDSA. Sa ilalim ng panukala, mula Caloocan rotunda hanggang MOA, paikot ng Roxas Blvd, tagos sa Taft pabalik sa Caloocan Rotunda. Magkakaroon ng para bagang loop. Depende sa magiging rekumendasyon ng MMDA, pwedeng northbound o southbound. Tatawagin itong Metro Loop. Kung tatanggalin nito ang mga intersection, at ang mga sasakyan ay tuluy-tuloy lang ang takbo, maaaring mas maigi ito kumpara sa dalawa hanggang tatlong oras na traffic papuntang Makati mula QC vice-versa. Mabuti nang umikot ka ng 25 kilometro ang layo kung lubhang mababawasan nito ang travel time sa kalahati kesa naman abutin ka ng tatlong oras sa kalsada para lamang marating mo ang sampung kilometro ng distansiya ng pinanggalingan mo sa paroroonan. Baka makatipid ka pa sa gasolina. IT MIGHT WORK. Kung P3 bilyon ang nawawala sa productivity ng mga Pinoy dahil sa traffic, lahat ng paraan ay dapat ikunsidera. MIGHT o maaari ang ginamit kong salita dahil depende pa rin ‘yan sa mga stakeholders.

Anong ibig kong sabihin? Sa unang bahagi ay binanggit natin na ang tagumpay ng maayos na traffic flow sa isang lugar ay dedepende sa partisipasyon at pakikipagtulungan ng lahat.

May Metro Loop ka nga, kung andiyan pa rin ang mga kolorum, wala rin. May Metro Loop ka nga, kung andiyan pa rin ang mga pasaway na pasahero na naghihintay ng masasakyan sa gitna ng kalsada at nagpapababa sa mga hindi loading/unloading zone, wala rin. May Metro Loop ka nga, kung patuloy na tinatangka ng mga private motorist na ibiyahe ang sasakyan nila maski na coding at expired na ang rehistro, wala rin. Kung hindi ireregulate ang pagbebenta ng sasakyan (no garage, no car sale policy), wala rin. Kung patuloy na palpak at magbubulag-bulagan ang mga enforcer sa mga kolorum na mga PUV at mga pasaway na mga private motorist, wala rin.

Ang tagumpay ng isang mahusay na traffic flow ay nakasalalay sa isang gobyernong determinadong ipatupad ang batas at mga disiplinadong mamamayan.

Advertisement - PS04spot_img

More articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Advertisement - PS05spot_img
Advertisement - PS01spot_img

Must read

Advertisement - PS03spot_img