‘Shithappens’
Mukhang may katotohanan ang kontrobersyal na pahayag ni SenatorRonald “Bato” dela Rosa na “Shit happens” at ang tinamaan nito ay ang bagongalkalde ng Maynila sa kasagsagan ng kanyang paglilinis sa Maynila.
Akalain ninyong nakatapak si Mayor Isko Moreno ng dumi ng taohabang iniinspeksyon ang kilalang heritage site na Andres Bonifacio Shrine saLawton, Maynila.
Ayon sa alkalde ay higit-kumulang 100 tumpok ng dumi ng tao angnatagpuan sa kapaligiran ng monumento.
Bagaman halatang nairita ang alkalde sa naging karanasan aysinabi nito na suwerte raw ang ibig sabihin nito at magkakapera siya. Tinawagniyang minahan ang lugar dahil marami umanong “ginto” ay nagbirong doon dawpala itinago ng Katipunan ang ginto.
Pero sa seryosong usapan, ang ikinasama ng loob ng alkalde aysandamakmak daw ang nagkalat na dumi sa paligid samantalang malapit lang ito satanggapan ng alkalde. Ginawa na raw itong pinakamalaking pampublikongpalikuran.
Tinanong din niya ang publiko kung bakit walang respetongibinigay sa monumento ng bayaning Pilipino at binaboy ito?
Bilang resulta ng hindi kanais-nais na karanasan, kinabukasan aynagsagawa ng agaran at masisinang paglilinis ang mga tauhan ng alkalde sanaturang lugar upang hindi ito maging sentro ng pagpuna at panlalait ng mgadadalaw sa site.
Inatasan din ng alkalde ang Manila Police District (MPD) chiefna magsagawa ng clearing operations upang mawala ang mga vendor at ibang mga nakahambalangsa likuran ng shrine.
Iniutos din ni Mayor Isko sa hepe ng MPD na sibakin sa puwestoang Lawton police community precinct (PCP) commander na nakasasakop sa lugar.
Ayon sa mga sumusubaybay sa social media ay ang mga nakaistambayna pulubi, taong-grasa at ang grupo ng mga adik na tinaguriang solvent boys angresponsable sa mga dumi at kababuyang nakita ng alkalde sa monumento dahil doonna sila nakatira at natutulog.
Nauna rito ay pinasibak din ng alkalde ang siyam na pulis,kabilang na ang kanilang hepe sa Meisic Police Station o MPD Station 11, dahilumano sa pangingikil sa mga illegal vendor.
Batid ng lahat na mula nang maupo si Moreno bilang alkalde ngMaynila ay walang humpay ang kanyang pag-aksyon laban sa illegal vendors bilangpagtupad sa pangako na binitiwan niya sa mga mamamayan.
Bahagi rin ng kampanya noon ng alkalde ay ang pagpapanumbalik atpagsasaayos sa mga heritage site, kabilang na ang mga park at museum, kaya nganiya pinagtuunan ng pansin ang Bonifacio Shrine.
Ilan pa kayang kapulisan ang kailangang masagasaan at masibak sapuwesto para tuluyang malinis ng alkalde ang buong lungsod na kanyangpinamumunuan?
Magbago na kayo!
* *
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa firingline@ymail.com omag-